खोज
  • खोज
  • माय स्टोरीबोर्ड्स

Unknown Story

एक स्टोरीबोर्ड बनाएँ
इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Unknown Story
Storyboard That

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot.
  • ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS
  • Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
  • Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.
  • Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan! Ito'y aking pag-aari at umalis ka na!
  • Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.
  • Ikaw dapat ang umalis!
  • Aba! ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!
  • Pumadyak ang Higante mula Timog habang sinasabi ang mga katagang iyon.
  • Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!
  • Lalong hindi maaari!
  • Pumadyak rin ang Higante mula Hilaga ng mas malakas habang sinasabi ang mga katagang iyon.
  • Noong panahong iyon ay katatapos lamang umulan. Bumilog ang isang higante ng putik at ibinato sa kalaban. Gumanti naman ang isa pang higante kaya't nagbatuhan sila ng putik.
  • Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay. Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.
  • Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.
  • Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana. Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ngChocolate Hills.
  • WAKAS
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए