Noong unang panahon, may isang Kaharian na pinamumunuan ng isang sakim at mayabang na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian.
Oo nga eh. Nakakapagod na rin
Bata man o matanda, lahat ay takot kapag nababanggit ang salitang " Haring Barabas". Tingin ni Barabas sa kanyang mga sakop na sila ay ang kanyang mga alipin.
May Inaresto na naman si Haring Barabas. Araw-araw siya mayroong nakukulong.
Hala! Baka ako ang masunod.
फिसलना: 2
Ganito rin ang ani kahapon. Kaunti lagi
sayang naman ang hirap para lang dito
Nagkaroon ng matinding tag-tuyot sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga tindero. Ang lahat sa kaharian ay inutusang mag-bigay ng pagkain sa hari
Pasensya ka na anak. Ito na lang ang pagkain natin
Gutom na gutom na ako. kinuha kasi ng hari lahat ng pagkain ko eh.
फिसलना: 3
Noong isang gabi, may mangingisda na nalimutan lang ang oras at nakita siya ng mga gwardya ng hari at siya'y hinuli at dinala sa hari. Ang hari ay nagalit kaya pinarusahan niya muna ang mangingisda bago ito i-kulong.
Parusahan Siya!
फिसलना: 4
Nakulong ang asawa mo at naparusahan siya!
Nalaman ng asawa ng mangingisda ang pagkakulong ng kanyang asawa. Nagpunta sila sa hari at nagmakaawa ang asawa pero nakulong din ang asawa ng mangingisda.
Ikulong mo siya
फिसलना: 5
Isang araw habang Kumakain ang hari, may lumapit na isang pulubi. Nanglimos ang pulubi kahit pagkain lang pero hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pina-alis pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.
Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.
फिसलना: 6
Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.