खोज
  • खोज
  • माय स्टोरीबोर्ड्स

Unknown Story

एक स्टोरीबोर्ड बनाएँ
इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Unknown Story
Storyboard That

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

स्टोरीबोर्ड पाठ

  •  Oo, tama ka Juan! Walang basta papansin sa mga tulad natin na mahihirap lamang.
  •  Magandang umaga mga kasama ko. Sobra na ang ipinaghihirap ng ating lugar. Madami na sa atin ang mga nagugutom sapagkat wala man lang tayong mahanapan ng pagkakakitaan. Mukhang kailangan na nating pumili ng isang maayos na lider ng bansa na siyang tunay na makakatulong sa atin upang maibsan ang ating mga problema.
  •  Ngunit sino naman kaya ang papansin sa katulad natin na mga karaniwang tao lamang?
  •  Tama, kailangan nating dumalo doon upang malaman natin kung sino ang ating iboboto.
  •  Mamayang gabi ay may magaganap na pagpupulong sa ating barangay kung saan ay dadating daw doon si Ramon Magsaysay.
  •  Huwag kayong mag alala mga kasama. Ang kailangan lamang natin ay pumili ng isang lider ng bansa na makakatulong sa atin.
  •  Sino ba sa mga lumalaban na pangulo ang sa palagay niyo ay makakatulong sa atin?
  •  Kami po ay mga taong pangkaraniwan lamang at dumaranas ng hirap. Maaari niyo po bang sabihin samin kung anong maiitulong ninyo sa tulad namin kung sakali na kayo ay mananalo?
  •  Magandang gabi aking kababayan! Ako sa Ramon P. Magsaysay, tumatakbo bilang pangulo ng ating bansa. Hayaan niyo na paglingkuran ko kayo ng may katapatan.
  • Ako po si Pepe, isang magsasaka lamang. Ngunit matindi na po ang dinaranas naming hirap dulot ng naging mga digmaan sa ating bansa. Mayroon po ba kayong programa para sa mga tulad namin?
  •  Salamat sa iyong magandang katanungan Pepe at Juan. Tumakbo ako na pangulo upang malutas ang suliranin ng ating bansa. Juan, prayoridad ko ang mahihirap at karaniwan na mga tao tulad ninyo. Ipagagawa ko ang mga daan ng mga baryo upang mapalapit kayo sa mga kabayanan.
  • Tama! Dapat muna niyang ipaliwanag sa atin kung ano ang sinasabi niya na iyon.
  •  At para sa katanungan mo naman pepe, itataguyod ko ang NARRA o ang National Resettlement and Rehabilitation Administration.
  • Kung inyo pong mamarapatin, maari po ba namin na malaman kung ano ang NARRA na yan?
  •  Magandang katanungan yan Pepe. Dahil mahalaga sa akin ang kapakanan ng mga magsasaka, itatatag ko ito upang mapadali at maging maayos ang pamamahagi ng mga lupaing pambayan sa mga magsasaka na nais magkaroon ng sariling lupa.
  •  Isa lamang iyan sa mga programa na itatatag ko kapag ako ang nanalo. Napakarami pa ang itataguyod at isasakatuparan ko upang makatulong hindi lamang sa mga magsasaka na tulad ninyo kundi para sa lahat ng mamamamayan na Pilipino.
  • Maraming salamat naman po kung gayon ang inyong hangarin. Sana nga po ay kayo na ang sagot sa mga suliranin na hinaharap namin at ng bansa sa ngayon. Maraming salamat po!
  •  Salamat naman kung gayon, nawa nga ay sya na ang tunay na sagot sa ating kahilingan. Oo nga gabi na rin, kailangan na natin umuwi. Paalam na sa inyo!
  •  Tama! Mukhang ang karaingan ng mga tao ay personal niya na pakikinggan. Atin siyang ituturing na "idolo ng Masa". Oh tara na mga kasama. Umuwi na tayo at mag-iingat kayo.
  •  At si Ramon F. Magsaysay nga ang nahalal na ikapitong pangulo ng bansa. Naipatupad niya ang mga nabanggit na programa at madami pang iba.
  •  Mga kasama, marahil siya na nga ang pangulo na sa palagay ko ay makakatulong sa atin. Atin siyang iboto at ng maka ahon at umunlad na tayo. 
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए