खोज
  • खोज
  • माय स्टोरीबोर्ड्स

Ang Kuwintas 2

एक स्टोरीबोर्ड बनाएँ
इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Ang Kuwintas 2
Storyboard That

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Mag-iikapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Tapos na ang maliligayang sandali kay Mathilde. Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang balabal upang masdan pang maigi ang kaniyang kagandahan. Napansin niyang nawawala ang kaniyang hiniram na kuwintas. Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, ngunit hindi nila natagpuan ang kuwintas. Pinayuhan ng lalaki ang asawa na sumulat sa kaibigan nito at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at kasalukuyan pang ipinapagawa upang magkapanahon silang makapag-isip.
  • Ano?! Paano nangyari?! Imposible!
  • Anong nangyayarisayo? Bakit?
  • Wala ang kuwintas ni Madame Forestier.
  • Kung kani-kanino nanghiram ng pera ang mag-asawa para pambili ng kuwintas na kamukha ng naiwala na naghahalagang tatlumpu't anim na libo. Isinauli ni Mathilde ang kuwintas kay Madame Forestier. Tumagal ng sampung taon ang paghihirap ng mag-asawa upang mabayaran ang kanilang mga pinag-utangan. Mukhang matanda na ngayon si Mathilde. Isa na syang tunay na babae ng mga maralitang tahanan.
  • Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad sa Champs Elysees, nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong sangkad ng mga gawain sa bahay ay namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae'y si Madame Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang panghalina. Sinabi ni Mathilde ang kaniyang karanasan tungkol sa kuwintas na ipinahiram sa kaniya kay Madame Forestier.
  • O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.
  • Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang daang prangko.
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए