Magandang umaga, Mr. Lee! Maybago po kayong sulat.
Halina kayo, alis na tayo.
Magandang umaga rin sa 'yo, John.
Oy 'tol! Kumusta ka? Long time no see ah.
Yow pare. Ito, oks lang naman. Gwapo natin ngayon ah.
Mama may tanong po ako. 'Di ba po kanina nakita natin si Mr. Lee kausap yung isang mailman. Tapos doon sa sumunod na eskinita may nakasalubong yung mailman na kaibigan niya.
Oo anak. Ano ang iyong tanong?
Asus, chismosa ka talaga kapatid.
Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko. And what? Kapatid? Call me ate!
Kase po napansin kong magkaiba yung paraan noong mailman sa pakikipag usap kay Mr. Lee at doon sa kaibigan niya.
AHHHH! I saw him kanina like omg. He's so pogi talaga. I'm crying kase kinikilig me. AHHHHHH!
Ah, ganito kase iyon anak. Mayroon tayong tinatawag na Barayti ng wika.
Hey sis, you okay? Ba't ka nagc-rcry?
Katulad niyang magkaibigang 'yan na nasa upuan.
Barayti ng Wika, ma? Ano po iyon?
Mahalaga po ba iyon ma?
Mas lalo lang po akong naguluhan mama dahil sa dalawang babae na 'yon. Bakit ganoon sila magsalita? Mukha pong sila lang ang nagkakaintindihan.
HAHAHA! 'Yon ang Barayti ng wika anak. Nakapaloob dito ang pagpili mo sa iyong gagamiting wika depende sa kung sino ang iyong kausap. Gaya natin ngayon, gumagamit ka ng po dahil ako ang iyong kausap. Ngunit kung iyong nakababatang kapatid mo ang iyong kausap ay hindi.
Oo mga anak. Mahalaga ang Barayti ng Wika. Gaya ng ating mga nasaksihan kanina. Natutulungan nito ang mga tao na makapili ng mga salitang pinakaangkop na gamitin. Ang Barayti ng wika ay may malaking papel din sa akademya, ukopasyon at lalong lalo na sa ating lipunan. Ito ang nagbibigay daan upamg maging handa at matalas ang isipan. Na hindi lamang iisang wika ang dapat matutunan.
Oo nga mga anak. Ito ay gamit din sa iba't ibang larangan. upang mahasa ang pakikipagkomunikasyon at sa iba'y makipagsabayan.