לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

dsgfrghdfhb

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
dsgfrghdfhb
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • Maligayang Kaarawan Rebo!
  • Unang sabado, humiling ang isang batang lakake na nagngangalang Rebo sa kaniyang Ama na idiwang na ang kanyang kaarawan kahit hindi pa niya kaarawan. Kaya naman, nangumbida ang kaniyang Ama ng maraming tao at kasabay nang pagbilin sa mga ito na 'wag kalimutang bigyan ng regalo at batiin si Rebo ng "Happy Birthday". Marami siyang natanggap na laruan tulad ng Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at ang Beyblade. Sa lahat ng ito, ang kaniyang pinakapaborito ay ang beyblade.
  • Samantala, sa ikalawang sabado, si Rebo naman ang naki-bertdey. Pagkatapos ay nakipaglaro ng beyblade kasama ang kaniyang mga pinsan.
  • Sige na, Bo. Salamat sa Apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.
  • Ikatlong sabado, subalit di na kusang naglagas ang buhok ni Rebo. Dahil sa kaniyang pagkairita ay sinabunutan na niya ang kaniyang sarili upang matanggal ang kaniyang mga buhok. Nangumbida naman ang kasama ng kaniyang Ama sa trabaho ng isang mascot at bigyan nang pribadong pagtatanghal si Rebo. Hindi man makangiti si Rebo, datapwat kita sa kaniyang mata ang kasiyahan sa nakitang pagtatanghal.
  • Pagkasapit ng Ika-apat na sabado, hindi na maitago ang sobrang pagkahina ni Rebo. Hindi na niya magawang makapaglaro ng beyblade. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kung gayon ay, dinala siya ng kaniyang Ama sa isang karnabal at isa lamang ang gustong sakyan ni Rebo. Ito ay ang maliliit na helicopter na akyat-baba. Sa bawat pagbaba ng helicopter ay nginingitian niya ang kaniyang Ama ngunit ang ngiting ito ay malungkot.
  • Ikalimang sabado, ang huling sabado ng Pebrero, pumanaw na si Rebo. Hindi na sila nakapag-usap ng kanyang Ama dahil ang naririnig ng kaniyang Ama ay ang kaniyang sigaw na napakasakit. Hinintay na lamang ni Rebo ang kaniyang Ama bago niya iwan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Bigkis siya ng kaniyang Ama nang mawalan na siya ng hininga.
  • Ika-anim na sabado, ang huling sabado na makikita siya ng mga nagmamahal sa kaniya. Payapa na siyang nakahimlay sa kabaong, kasama ang kaniyang paboritong nagkukulay na beyblade na kasama niya sa hirap ng kaniyang dinanas. Sa wakas, wala ng sakit, gutom, at hirap na gawa ng sakit na Leukemia. Maraya na siyang makakapaglaro ng beyblade sa itaas at saka walang iniindang sakit. Ngunit, ang mga nagmamahal sa kaniya sa ibaba ay patuloy na lalabananan ang kirot at lungkot.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור