Ang tawag d'yan ay migrasyon. Maraming dahilan kung bakit mayroong migrasyon.
Posibleng dahilan ng migrasyon ay upang makahanap ng trabaho kasabay ng pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan.
Alam niyo ba kung bakit maraming Pilipino ang nangingibang bansa?
Isa pang dahilan ng migrasyon ay edukasyon. Mayroong mga lumilipat ng lugar para makamit ang kalidad na edukasyon.
Ang migrasyon ng mga OFW sa ibang bansa ay nagreresulta sa paglago ng ekonomiya ng bansang pinagtatrabahuhan nila dahil sa dagdag na labor force.
Maaari ring maging dahilan ng migrasyon ang mga isyung pangkalikasan.
Ang kalamidad, katulad ng malakas na bagyo at lindol ay maaaring magresulta rin sa migrasyon. Ang mga tao ay lumilipat sa mga lugar na mas ligtas.
Dahil din sa migrasyon, lumalago at napayayaman ang kultura dahil nagbubukas ito ng malawak na oportunidad para sa cultural exchange.
Dagdag pa rito, dahil nadadala ang mga ideya, pananaw, at kasanayan sa iba't ibang bagay, nakakatulong ito sa paglago ng kaalaman na magreresulta sa mga pagbabago at inobasyon.
Isipin din natin ang mga negatibong epekto nito gaya ng brain drain at overpopulation.