Noong unang panahon, mayroong prinsesa na si Prinsesa Mangga. Ang kaniyang buhok at mga mata ay kulay ginto ngunit ang mga mata at buhok ng magulang niya ay kayumanggi. Siya ay tinuuy na espesyal dahil sa kulay ng iyang mata at buhok.
Hindi alam ng Prinsesa na ang buto na iyon ay nakakasama sa kalusugan. Ang matandang babaeng nagbigay sa kaniya ng buto ay isang mangkukulam.
Isang araw, ninais ni mangga na maglibot sa kaharian upang makalanghap ng sariwang hangin. Pumunta siya sa paborito niyang lugar, ang gubat. Habang naglalakad siya, may nakasalubong siyang matandang babae.
Prinsessa, may regalo ako sayo. Ito ay isang buto na hindi mo makikita kahit saan pa. Itanim mo ito, at madaming magagandang mangyayari sa buhay mo.
Salamat po!
Sa sunod na araw, noong gumising ang Prinsesa, sobrang sakit ang naramdaman niya. Uminom siya ng gamot, pero masama parin ang pakiramdam niya.
Tinanim ni Prinsesa Mangga ang buto para gumaling ang kaniyang pakiramdam.
Biglang nawala ang Prinsesa at biglang may tumubo mula sa buto. Ito ay dilaw, kasing-kulay ng buhok at mata ni Prinsesa Mangga. Ang balat nito ay makinis katulad ng balat ni Prinsesa Mangga.
Ito ngayon ay ating tinatawag na Mangga dahil sa pangalan ni Prinsesa Mangga.