לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

Unknown Story

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
Unknown Story
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • Maawa kayo sa akin! Masyadong matagal ang prusisyon kaya hindi ko napansin ang ilaw ng aking kalesa.
  • Hindi puwede! Bawal ito sa batas kaya dapat kang makulong!
  • Naiintindihan ko, Senyor Simoun, pupunta kami sa Tiani para makita natin ang inyong mga alahas.
  • Pupunta rin sana ako, dahil kailangan ko ng isang bracelet para sa aking relo pero ang dami ng dapat kong gawin. Kung ayos lang kay Kapitan Basilio na makisuyo ako.
  • Isang bruskong "Hinto!" ang umalingawngaw sa paligid. Dumadaan sila sa harap ng kampo ng guwardiya sibil at napansin na walang ilaw ang kalesa, hindi puwede ang ganoon. Nagsimulang umulan ng katakot takot na insulto sa kawawang kutsero. At dahil makukulong ang kutsero bunga ng hindi pagsunod sa batas ay mababalita sa mga pahayagan, bumaba na s karomata ang mapayapa at maingat na si Basilio at nagpatulot nang lumakad na dala ang kaniyang maleta. Iyon ang San Diego, ang kaniyang bayang ni iisa ay wala siyang kamag anak.
  •  Ang tanging bahay na mukhang masaya ay ang bahay ni Kapitan Basilio. Maingay na nagkakantahan ng pamamaalam ang mga inahin at dumadalagang manok. Masaya sa bahay at umaabot hanggang sa kalye ang salpok ng hangin taglay ang masasarap na na langhap ng pagkain, ang nakasisiyang amoy ng mga gisado at mga minatamis. Nakita ni Basilio si Sinang sa silong ng bahay. Sa dakong loob pa, gulat na nakita ni Basilio ang mag-aalahas na si Simoun, nakikipag usap kay Kapitan Basilio, sa pari ng parokya at sa tenyente ng guwardiya sibil. Dahil sa pamilyar nitong mga asul na salamin at saloobin na parang walang inaalala.
  • Susme, katandaan! Kung namatay sana siya dahil sa isang sakit!
  • Buong lugod na gagawin iyon ni Kapitan Basilio at dahil gusto niyang maging maganda ang pagtingin sa kaniya ng militar para hindi nito pakialaman pa ang kaniyang mga tauhan, ayaw tanggapin ni Kapitan Basilio ang perang sinisikap hugutin ng tenyente mula sa kaniyang bulsa. Maaaring makasama ang isang hindi magandang ulat tungkol sa kaniya mula sa apri at magpapagasta pa sa kaniya ng doble puwersahang mga regalo ang mga hikaw na ito. Habang ganoon pinupuri ni Simoun ang kaniyang mga alahas.
  • Ano ang ikinamatay?
  • Wala ka na bang bago na maikukuwento sa akin? Nawawalan na ko ng gana sa pagkain dahil sa paulit-ulit na mga bagay na sinasabi ninyo sa akin. May balita ba kayo tungkol sa Sagapa?
  • Namatay ang isa sa ating mga kasama, iyong namamahala sa gubat at ayaw bigyan ng murang libing ng kura dahil ayon sa kura maqyaman naman daw ang amo ng namatay.
  • Katandaan.
  • Pumunta si Basilio sa kaniyang bahay o sa bahay ni Kapitan Tiago na binabantayan ng isang katiwala. Naghihintay ang katiwala para balitaan si Basilio na malaki ang paghanga sa estudyante mula noong nakita itong kaswal na nag-oopera na para bang mga manok lang ang hinahawakan.
  • Hindi naman malupit ang binata pero dahil madalas na napapagalitan siya ni Kapitan Tiago gusto naman niyang kagalitan ang mga taong kaniyang pinamamahalaan. Naghanap ng bagong maibabalita ang matanda. 
  • Gusto ni Basilio ang namatay sa sakit dahil gusto niyang makagawa ng awtopsiya. Ikinuwento sa kaniya ng matandang lalaki kung gayon ang tungkol sa pagdukot kay Kabesang Tales. Nag=isip si Basilio at hindi umimik. Kompleto nang nawalan ng gana.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור