לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

Unknown Story

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
Unknown Story
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • SIMULA...
  • Alamat ng Pusa
  • Bilib talaga Ako sayo Gian pag ginusto mo walang nakakapigil Sayo.
  • Aba Ako pa ba? mas nanaisin ko magutom wag lang kumain ng malansang isda nayun hahaha
  • Kumain ka ng isda Gian, masarap iyan lagi ka nalang puro karne o di kaya mga hindi masustansyang pagkain at kung maaari limitahan mo ang pag-gala, mag-aral ka na lang ng mabuti.
  • Ayaw ko, nay, ayoko po ng isda at gusto ko lang naman po gumala dahil mas masaya po iyon.
  • Sa isang malaki at magandang bahay, nakatira ang pamilya Almundo. Ang Ama ay si Lorenzo, siya ay isang presidente sa kanilang bansa. Ang Ina ay si Devina na mayroong sariling kompanya ng mga alahas at ang anak naman ay si Gian. Si Gian ay ang kaisa-isang anak nina Lorenzo at Devina, si Gian ay masayahin at mapagmahal na anak ngunit matigas ang ulo pagdating sa usapang pagkain at pag-gagala.
  • Gian anong oras tayo uuwi hindi kaya hinahanap na tayo ng nanay natin?
  • Ano ka ba maaga pa tyaka wala rin namang magagawa si inay kung uuwi ako ng gabi tyaka nag sasaya pa tayo diba hahaha
  • Kaya naman kahit anong pigil ng kanyang Ina ay paulit-ulit paring ginagawa ni Gian ang pag-gagala araw-araw at ang pagkain ng mga hindi masustansyang pagkain na pinagbabawal ng kanyang Ina kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Daisy.
  • Ako si diwali ang diwatang nagbibigay parusa sa mga kagaya mong hindi marunong makinig sa magulang at pinipilit ang nais, dahil sa iyong pag uugali ay paparusahan kita, ikaw ay magiging isang palaboy na pusa sapagkat ikaw ay mahilig gumala at dahil hindi ka mahilig sa isda simula ngayon ang nanaiisin mo na lamang na kainin ay isda upang magsilbing aral saiyo.
  • Isang araw sa harap ng hapagkainan, inaalok ni Devina ang kaniyang anak na si Gian na kumain ng isda na parati niyang ginagawa ngunit hanggang ngayon ay tinatanggihan parin siya nito. Pinagsabihan niya ito tungkol sa pag-gagala pero dahil sa mapilit si gian sa kanyang gusto hindi niya sinunod ang kanyang ina.
  • Inuubos ni Gian ang kanyang oras sa pamamasyal at paglalaro sa kanilang paboritong pasyalan at palaruan sa kanilang bayan araw-araw na hindi alam ni Gian ay may isang diwata na laging nakamasid sakanyang mga ginagawa.
  • Hindi nasiyahan ang diwata sa lahat ng kanyang nasaksihan kaya naman pagsapit ng gabi habang si Gian ay mag-isa sa kanyang silid ay biglang lumitaw ang diwata na kinagulat ni Gian.
  • Sino ka? at Anong pakay mo saakin?!
  • Simula ng gabi na iyon ay walang bakas ni Gian ang nakita sa kanyang silid bagkos isang pusa na may dilaw na mga mata. Inakala ng kanyang ina na ito ay Isang palaboy na pusa na pumasok sa silid ng kanyang anak kaya't ito ay kanyang tinaboy. Naging pagala-gala na lamang si gian sa kalsada habang naghahanap ng isda. Nagsisisi man siya ngunit alam niyang huli na ang lahat.
  • WAKAS.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור