Noon daw bago pa dmating ang mga dayuhan sa Pilipinas, sa isang yungib ng Bulkang Halkon na nasa tagiliran ng Caiapan ay may nakatirang isang ermitanyo
sa isang bukid na malapt sa yungib ay may nakatirang magbubukid na may anak na nag ngangalang Ido
isang araw inutusan siya ng kanyang ama na magpastol ng kalabaw ngunit imbis na sundin nya ang utos ng kanyang ama ay sinuyaw niya ito at pumunta ng kagubatan upang manghuli ng ibon
sa kakalakad ni Ido sa kagubatan hindi niya namalayan na papagabi na pala, dali-daling nagbaliki si Ido. Bumagtas siya sa kung saang bagnos na hindi niya alam, ng makalabas ng kakahuyan ay may nakita siyang isang yungib
pinasok niya ito dahil siya ay nahiwagaan sa yungib, ngunit ng nasa kalagitnaan na siya ng yungib nagulat siya sa kanyang namalas, isang matanda ang mahimbing na natutulog
nakita ni Ido na may plastik sa may bandang ulo ng matanda, biglang natukso si Ido kaya't dahan-dahan niyang pinulot ito at dali daling lumabas ngunit natisod si Ido at naglubha ng ingay ang laman ng plastik na ikinagising matanda