Ma'am maniwala po kayo sa akin, hindi ko po ginawa ang bagay na iyon. Nag-aral po ako ng mabuti para sa pagsusulit kaya po ako nakakuha ng magandang marka.
Hindi ko po alam, pero nasisiguro ko pong hindi ko magagawa ang bagay na iyan. Maniwala po kayo sa akin.
Nabalitaan mo naman na ang dahilan bakit kita ipinatawag rito hindi ba? Anak, totoo ba ang sinabi ng isa sa mga kaklase mo sa akin? Na ikaw raw ay nandaya sa pagsusulit na aking isinagawa?
Bumalik ka muna sa iyong klase anak at pagiisipan ko kung anong gagawin rito. At kapag nalaman kong hindi ka nagsasabi ng katotohanan ay mas bibigat ang parusa na iyong matatamo.
Kung ganoon ay bakit niya sinabi ang bagay na iyon, na ikaw raw ay mandaraya?
Athena, alam kong ikaw ang nag-sabi kay Ms. Delo Santos na ako ay isang mandaraya. Bawiin mo ang iyong sinabi, nagmamakaawa ako sa'yo, alam natin parehas na hindi totoo ang iyong paratang.
Dahil katulad mo ay ako rin ay nagsikap na mag-aral para sa pagsusulit! Hindi ako nandaya at wala ka namang patunay na iyan ay totoo. Pawang pagpupursige at pagbibigay ng oras ang aking ginawa para sa markang aking nakuha.
Totoo naman ang kaniyang sinabi ...
Hindi ko iyong babawiin! Totoo namang paniguradong nandaya ka sa ating pagsusulit. Papaanong mas mataas ang nakuha mong marka kaysa sa akin?
Mabuti pa't ako ay humingi ng tulong sa Panginoon. Idadalangin ko na mabigyan ako ng paggabay at maitaguyod niya ako mula sa pagsubok na ito. Hindi ko kagustuhan na magkaroon ng matinding galit kay Athena dahil katulad ko, siya ay anak ng Diyos. Sana ay sa susunod na araw, mabigyang patotoo ni Athena ang pangyayari at mawala ang inggit sakanya.
Papaano na ito, hindi ko na alam ang aking gagawin. Paano ko mapapatunayan ito kay Ms. Delo Santos at paano ang aking gagawin kay Athena?