לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

Untitled Storyboard

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
Untitled Storyboard
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • שקופית: 1
  • Nakauwi na si G. Loisel sa kanilang tahanan. Nagtataka siya sa mga hinahan- dang panghapunan ni Mathilde.
  • Naisipan ko na magtinapay at magsabaw tayo ngayon.
  • Ano ang iyong mga hinahanda Mathilde?
  • שקופית: 2
  • Pagkatapos nilang maghapunan at matapos na rin ang pagliligpit ng kanilang mga pinagkainan, ipinahayag na ni Mathilde sa kanyang asawa ang nangyari. Gayunpaman, hindi niya inakala na ganoon ang magiging tugon ng kanyang asawa, na labis niyang ikinagulat.
  • Hindi ako magagalit sa'yo, pero kailangan nating matutong makuntento sa kung anong meron tayo.
  • שקופית: 3
  • Habang naglalakad, naunawaan niya na ang tunay na kaligayahan ay hindi sa yaman, kundi sa sakripisyo ng kanyang asawa.
  • שקופית: 4
  • Kinaumagahan, nakatanggap si Mathilde ng magandang balita na siya ay natanggap sa trabaho. Masaya siya at labis ang kanyang excitement na simulan ang bagong yugto ng kanyang buhay. Hindi na siya makapaghintay na ipaalam ito sa kanyang asawa.
  • Mathilde: Mahal, may isang bagay akong gustong ibahagi sa iyo. Sa wakas, natanggap na ako sa trabaho na inaasam ko.
  • G. Loisel: Totoo ba 'yan, mahal? Ang saya ko para sa'yo! Sana magtuloy-tuloy na talaga ang trabaho mo para makapagsimula na tayo sa mga plano natin.
  • שקופית: 5
  • Nagtuon si G. Loisel sa kanyang trabaho habang si Mathilde ay abala sa paghahanap ng ibang trabaho. Sa kanyang paghahanap, nakakita siya ng anunsyo para sa isang babaeng kinakailangan upang maglinis. Agad siyang nagsumite ng mga kinakailangang dokumento. (Pagkauwi sa bahay)
  • G. Loisel: Oh, mahal, kamusta ang paghahanap mo ng trabaho? May nahanap ka na ba?
  • Mathilde: Oo, mahal, nag-aantay na lamang ako ngayon kung tatanggapin ba nila ako o hindi. Wala pa akong balita mula sa kanila.
  • G. Loisel: Ganun ba? Sana matanggap ka na para maibalik natin ang mga nawalang gamit at maayos ang ating sitwasyon.
  • שקופית: 6
  • Ngayon ang unang araw ng trabaho ni Mathilde, kaya labis ang kanyang kaba. Inabot ni G. Loisel ang kwintas na kanilang binili at sinabi kay Mathilde na isuot ito. Habang tinitingnan ang kwintas, naalala ni Mathilde ang mga pinagdaanan nila noon, ngunit ngumiti siya, iniisip na ito ang simula ng kanilang pag-ahon sa buhay.
  • Mathilde: Umaasa akong magpatuloy ito para makabawi ako sa mga sakripisyo ng aking asawa.
  • Nagkaroon si Mathilde ng bagong pananaw at niyakap ang kasalukuyan. Nagsimula siya ng negosyo, at nakabangon sila ni Monsieur Loisel mula sa kahirapan. Ang kwintas ay naging simbolo ng kanilang lakas at pagmamahalan, at nagtagumpay sila dahil sa pagtutulungan.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור