Sa bahay ni kapitan Tiyago ay mababanaag ang lungkot dahil may sakit si Maria Clara. Nang tumigil ang isang sasakyan sa harap ng bahay, mabilis na sumalubong sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel. Ang bumaba ay sina Dr. Tiburcio de Espadana at ang asawang si Donya Victorina delos Reyes de Espedana at isang binatang kastila na may kakisigan.Pagkatapos ipakilala ni Donya Victorina si Linares ay sinamahan sila ni kapitan Tiyago sa kanilang silid.
Ipinakikilala ko sa inyo ang aming pinsan, si Don Alfosno Linares de Espedana. Siya'y inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso, at kalihim ng mga ministro sa Espanya
Aakalain mong isang Orofea si Donya Victorina sa biglang tingin. Siya’y apatnapu’t limang taong gulang ngunit ipinamamalita niyang siya’y tatlumpu’t dalawa lamang. Masasabing maganda ang Donya noong kanyang kabataan. Pangarap niya noon pa man na makapangasawa ng dayuhan.Nais niyang mapabilang sa mataas na antas ng lipunan ngunit ang napangasawa niya ay isang mahirap pa sa daga na Kastila at ito ay si Tiburcio, tatlumpu’t limang taong gulang ngunit mas mukha pang matanda kaysa kay Donya Victorina.
Sakay sa barkong Salvadora si Tiburcio ng narating niya ang Pilipinas. Dumanas ng katakut-takot na pagkahilo sa barko si Tiburcio at nabalian pa ng paa. Dahil dito’y nahihiya na siyang bumalik sa Espanya at ipinasyang manatili na lamang sa Pilipinas. Eksaktong ika-15 araw niya sa bansa ng matanggap siya sa trabaho dahil na rin sa tulong ng mga kababayang Kastila. Wala siyang aral kaya pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko. Ang tanging puhunan lamang nya ay ang pagiging kastila. Nahihiya man at ayaw sanang sundin ang payo sa kanya ngunit dala ng kagipitan ay wala siyang mapagpipilian kundi sumunod na lamang. Dati siyang nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan. Wala talagang kaalam-alam sa panggagamot si Tiburcio. Sa mga unang panggagamot niya ay mababa lamang ang singil nito. Sinamantala niya ang pagtitiwala sa kanya ng mga indio kaya ‘di nagtagal ay pataas na ng pataas ang singil niya sa kanyang mga pasyente. Sa kalaunan ay isinumbong siya sa Protomediko de Manila ng mga tunay na mediko. Tuloy-tuloy na sana ang kanyang pagyaman ngunit dahil sa pangyayari’y nawalan siya ng mga pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala at mga kababayan ngunit napangasawa naman niya si Donya Victorina.
Ang donya'y labis na nakapanyayari sa asawa.Si Don Tiburcio'y tulad lamang sa aliping sunud-sunuran sa panginoon. Naisip din ng donya na kailangang magtaglay ng titulong doktor ng medisina at siruhiya ang asawa kung kaya nagpagawa siya ng isang putol na marmol na nakaukit ang; Dr. de Espadana, Especialista En Toda de Enfermedades, at ito'y ipinakabit sa kanyang bahay
Dr. de EspedanaEspecialista En Toda de Enfermedades
Noong ipinamalita ng donya na sila'y maglalakbay sa Espaya'y naisipan niyang kumuha ng Kastilang mangangasiwa ng kanyang ari-arian sapagkat wala siyang tiwala sa mga Pilipino. Noon ipinasundo ni Don Tiburcio ang pamangkin niyang si Linares, na nag-aaral ng pag-aabugado.Sila ang tatlong kararating pa lamang na panauhin ni kapitan Tiyago
Habang sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Matagal nang kakilala ng mag-asawa ang pari kaya si Linares na lamang ang ipinakilala rito. Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagtungo na sila sa silid ni Maria Clara. AgAD N pinulsuhan ng Don si Maria at tinigna ang dila sinabi niyang mapapagaling niya ang dalaga. Ang inireseta niyang gamot ay liquen at gatas Jarabe de Altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala na rin ng Donya ang pagkakataon para ipakilala si Linares kay Maria na noo'y nabighani sa kagandahan ng dalaga. Naputol sa walang kurap na pagkatitig si Linares sa dalaga ng sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso.