לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

Unknown Story

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
Unknown Story
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • May isang diyosa ng makalumang kalupaan at diyos ng kalangitan na ang pangalan ay si Haumea at Kane Milohai. Sila ay mayroong anim na anak na babae at pitong anak na lalaki. Habang lumalaki ang mga anak ay nawawala ang kapayapaan ng pamilya lalo na sila Pele, ang diyosa ng apoy, at Namaka, ang diyosa ng tubig. Nagkaroon sila ng matinding alitan, na kahit ang magulang nila ay hindi maawat, sa paniniwala ni Namaka na inagaw ni Pele ang kabiyak niya.
  • HINDI NGA TOTOO YAN!
  • Hindi ba kayo titigil?!
  • SINUNGALING!
  • Tigilan niyo na iyan mga anak!
  • Si Hi'iaka na nagmula sa itlog na napisa nung lumipat ang mag-anak sa isang isla ay isa ng dalaga. Ang mga tao ay namangha sa kagandahan nila Pele at Hi'iaka, pati rin sa pagsayaw ni Hi'iaka ng hula. Subalit, napilitan silang lumipat ng tirahan dahil ang mga apat na diyosa sa islang ito ay tinatabunan nila ng niyebe ang tahanan ng mag-anak at dahil ang atensyon ng mga tao sa isla ay natatapat sa dalawang magkapatid kaya nairita ang mga diyosa sa kanila at nagpasya na palayasin sila sa isla.
  • Wooh!
  • Ang galing!
  • Grabe!!
  • Astig kayo!
  • Wow!
  • Maganda at magaling pa!
  • Nakahanap din sila ng isang ligtas na lugar sa pamilya niya na ang Mauna Loa, ang pinakamataas na bundok. Subalit hindi basta sumuko si Namaka, pinilit niyang pinaabot ang mga alon na pinakawalan niya sa tuktok ng bundok pero hindi rin nagpatalo si Pele. Sa huli ay nanalo si Namaka at namatay si Pele pero ang kanyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong bagunhin ang kanyang anyo sa anumang itsurang nais niya.
  • HINDI AKO MAGPAPATALO!!
  • SUMUKO KA NA!!
  • Si Pele ay pumasyal sa paligid ng bulkan at nakita niya ang makisig na binata na si Ohi'a na sinubukan niyang akitin pero si Pele ay buong galang na tinanggihan niya dahil may kabiyak na siya. Nakita ni Pele si Lehua at ang pagyayakap nila at si Pele ay nagselos. Sa tinding galit ni Pele ay natamaan niya ng apoy si Ohi'a at siya'y naging isang sunog na puno. Nakita ito ni Lehua at walang tigil siya lumuha sa puno at kay Pele. Lumambot ang puso ni Pele at ginampanan niya ang kahilingan ni Lehua na gawin siyang bulaklak para magsama sila ng kabiyak niya.
  • Gagampanan ko ang iyong kahilingan na ika'y maging halaman. Pasensiya na.
  • Buhayin mo ang asawa ko o gawin mo akong isang halaman para makasama ko siya parang awa mo na diyosa, Pele!
  • Si Pele ay inutusan si Hi'iaka na sunduin ang kanyang kasintahang si Lohi'au at pumayag si Hi'iaka sa isang kondisyon na alagaan ni Pele ang kanyang hardin. Napakarami ang halimaw at mga panganib ang daraanan ni Hi'iaka at napatagal ang kanyang paglakbay. Apatnapung araw na ang lumipas at hindi mapakali si Pele sa tagal ni Hi'iaka. Kung ano-ano na ang naisip niya at inakala niya na baka inakit ni Hi'iaka si Lohi'au. Sa tinding selos ay sumabog ang lava sa bulkan at nasunog niya ang hardin. Si Lohi'au ay namatay dahil sa dumaloy na lava mula sa sumabog na bulkan.
  • NASAAN NA KAYO HI'IAKA, LOHI'AU??!!
  • Napagtanto ni Hi'iaka na mahal na mahal pala niya si Lohi'au nung namatay siya. Humingi ng tulong at nagpakiusap si Hi'iaka sa kanyang kuya na si Kane-milo na kunin ang kaluluwa ni Lohi'au sa kailaliman ng lupa at ibinalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawang-lupa. Sa huli ay pinagsisihan ni Pele ang kanyang nagawa sa kanyang pinakamamahal niyang kapatid at hinayaan sila Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay nang tahimik at payapa. Bilang pagpapakita ng pagsisisi at pagmamahal ni Pele sa kanyang kapatid, ang masaganang pagsibol at pagpatuloy ng kung anumang itanim nila Hi'iaka at Lohi'au sa kanilang lupain ay ang kagagawan ni Pele.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור