Si Mathilde ay isang magandang babae na nangangarap ng isang marangyang buhay. Isang araw, dumating ang kaniyang asawa na may dalang sobre na naglalaman ng isang imbitasyon mula sa ministro ngunit hindi siya natuwa rito. Nnanghingi pa siya ng ng 400 Prangko para makabili ng kaniyang bagong bestida. Nagulantang ang kaniyang asawa ngunit kalauna'y pumayag ito.
Nang makabili ang asawa ni Mathilde ng bagong bestida, hindi pa siya natuwa at pinakita sa asawa na hindi niya ito nagustuhan ngunit wala na siyang ibang pwedeng suotin na kaniyang nais kaya naman iyon na lamang ang kaniyang pinili. Hindi pa nakuntento si Mathilde at ninais pang magkaroon ng alahas kaya naman humiram na lamang siya sa kaniyang kaibigan,si Madam Forestier.
Ang kagandahan ni Mathilde sa gabing iyon ay tunay ngang katangi-tangi. Naging sentro siya ng atensyon. Sa gabinb iyon, nagsaya ang dalawa sa pagdiriwang na iyon.
AAAHHH!!
Nang makauwi sila, napansin ni Mathilde na nawawala ang kaniyang kwintas. Napasigaw siya at tinanong siya ng asawa. Dahil sa nahihiya si Mathilde dahil hiniram lang niya ang kwintas, naghanap sila ng kapareho nito at binayaran ito ng asawa. Naghirap sila sa 10 taon dahil sa utang.
Bakit ka sumigaw?
Sa 10 taon, sinubukan ng asawa ni Mathilde na magtrabaho ng iba't-ibang trabaho para makadagdag sa kita nila. Habang tumatagal, mas lalong lumiliit ang utang nila. Nakita ni Mathilde kung gaano siya kamahal ng kaniyang asawa at kung gaanong pagpapahalaga ang pinapakita nito sakaniya. Kalaunan, nagsisi siya sa mga ginawa at naging kuntento sa buhay. Natuto siyang makuntento sa asawa at tanggapin ito.
Nakapundar sila ng mas maayos na bahay at nagkaroon ng mas maayos na buhay matapos ang kanilang utang. Naging masaya ang dalawa at biniyayaan ng isang anak. Ang pamilya ay namuhay nang masaya at patuloy na nagmahalan.