לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

Humadapnon(Epikong Panay)

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
Humadapnon(Epikong Panay)
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • Humadapnon(Epiko ng Panay)
  • Noong unang panahon, may isang Dyosa ng kalangitan na nag ngangalang “Alunsina”, sa takot na di na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga Diyos na si “Kaptan” na siya ay mag-asawa na.
  • Isang araw maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang “Paubari”.
  • Dahil sa desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong diyos. Napagkasunduan ng ilang diyos sa pangunguna ni “Maklium-sa-t’wan” na magkaroon nang pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa Halawod.Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang diyos kaya't sinabi nitong magpunta sa mataas na lugar sina Paubari at Alunsina.
  • Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa Halawod. Matapos ang ilang buwan ay nagsilang si Alunsina ng kanyang mga anak at pinangalanang Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.
  • Paglipas ng panahon, ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya-kanyang pakikipagsapalaran katulad na lamang ni Labaw Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito'y bigo at ibinilanggo ni Saragnayan.Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at Dumalapdap. Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.
  • Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap upang makipagpalaran at pakasalan si “Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan”. Nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo na kung tawagin ay “Balanakon”.Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na “Uyutang” na kawangis ng isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si “Lubay-Lubyok Hanginun si Mahuyokhuyokan” upang pakasalan.Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang tagumpay ng mga ito.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור