Hindi nasusugutan si Liongo ng anumang mga armas ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.
Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang siHaring Ahmad na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam.
Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri at ginamit ito upang makatakas. Nanirahan siya sa Watwa kasama angmga taong naninirahan sa kagubatan. Muli siyang nadakip ngunit nakatakas ulit siya.
Nagwagi si Liongo sa digmaan laban sa mga Gala. Ipinakasal siya sa anak ng hari at kalauna'y nagkaanak siya ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.