Hiniling ni Rebo na ipagdiwag na ang kaniyang bertdey kahit na hindi pa mismo ito ang araw ng kaniyang kaarawan. Madami ang pumunta upang magdiwang, maraming natanggap na pagbati at mga laruan si Rebo, ngunit mas madaming beyblade ang iniregalo sakanya.
Sa sumunod na Sabado, bertdey ng pinsan ni Rebo kaya nakipag-diwang siya at nakipaglaro ng beyblade kasama ang kaniyang mga pinsan.
Ikalimang sabado
Pagsapit ng ikatlong Sabado, tuluyan na nanghina at nakalbo si Rebo. Kahit na hindi na nakakatawa si Rebo, makikita sa kaniyang mata ang tuwa at saya dahil sa mascot na inanyayahan ng katrabaho ng kaniyang ama.
Ikaanim na sabado
Ramdam ng ama ni Rebo ang kaniyang paghina. Dinala siya ng kaniyang ama sa karnibal, ngunit isa lamang ang nais na sakyan ni Rebo. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay nabakal.
Huling Sabado ng Pebrero ay tuluyan nang nawala si Rebo. Hinintay pa ni Rebo ang pagdating ng kaniyang ama, ngunit hindi na sila nakapag-usap.
Dito natapos ang lahat ng paghihirap ni Rebo. Hindi na muling malalaro pa ni Rebo ang kaniyang beyblade. Ngunit sa kinaroroonan niya ngayon, wala mang beyblade, wala naman doong sakit, hirap, at gutom.