Recherche
  • Recherche
  • Mes Storyboards

Unknown Story

Créer un Story-board
Copiez ce storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Créez votre propre story- board

Essayez-le gratuitement !

Créez votre propre story- board

Essayez-le gratuitement !

Texte du Storyboard

  • Magandang araw po, Ginoong Lopez. 
  • Magandang araw din, iho. Maaari ko bang malaman kung sino ka at kung ano ang iyong sadya dito sa aking opisina?
  • Ako po si Niko Valdes. Isa po akong estudyante, Senior High. Nandito po ako upang magtanong ng ilang katanungan.
  • Bago iyon, iho. Nais ko munang magpakilala. Ako si Ginoong Wil Lopez. Tatakbong pangulo ng bansa. Maaari ka ng magtanong, iho.
  • Ginoo, dahil tatakbo po kayong pangulo ng bansa. Tanong ko lang po sa inyo, ano po ang masasabi ninyo sa kasalukuyang estado ng edukasyon sa ating bansa?
  • Bilang tatakbong pangulo, nais kong unahin ang edukasyon ng bansa. Ang edukasyon ay isa sa mga solusyon upang ang ating bansa ay lalo pang umunlad. Ang edukasyon ngayon ay mahirap. Lahat ng estudyante ay sa bahay nag-aaral imbis na sa paaralan.
  • Oo nga po. Dahil nga po sa sinabi ninyo, ano po kaya ang maaari ninyong gawin sa kasalukuyang estado ng edukasyon ng ating bansa?
  • Kung ako man ay nahalal na pangulo na. Unti-unti na din naman na nauubos ang kaso ng Covid-19 kaya sa mga batang nabakunahan na ay maaari ng magkaroon ng klase sa paaralan ngunit limitado lamang ito. Sa mga batang 'di pa nababakunahan, kailangan muna nilang mabakunahan upang sila ay makakapasok sa paaralan.
  • Maganda po ang inyong plano, Ginoong Lopez. Huling katanungan po. Sa tingin ninyo po, paano ninyo matutulungan ang katulad kong estudyanteng mahirap lamang na halos maubos na po ang pera para lamang makapag-aral?
  • Magandang katanungan, Niko. Kung ako na ang pangulo ng bansa, sa mga estudyanteng may mga pasadong marka, sila ay mabibigyan ng scholarship at ng gantimpala.
  • Maraming maraming salamat po, Ginoong Lopez. Malalaman na po ng aking pamilya kung sino ang karapat-dapat na iboto bilang pangulo. Maraming salamat po sa inyong oras.
  • Walang anuman, iho. Gagawin ko ang lahat para sa mga estudyante at sa mamamayan ng ating bansa.
Plus de 30 millions de storyboards créés