Sa Panahon ng Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato, kami ay pagala-gala sa paghahanap ng pagkain at walang permanenteng tirahan. Sa mga tinapyas na bato, kami ay nakakagawa ng maraming kagamitan na ginagamit namin sa pangangaso at pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa paglipas ng panahon, sa Panahon ng Bato, natuto kami gumamit ng palakol, paet, pana, at sibat. Pangangaso at pangingisda naman ang paraan ng aming paghahanap ng pagkain. Natuto kami gumamit ng apoy bilang pangluto ng pagkain, ilaw, panakot sa hayop, at pananggalang sa lamig.
Sa Panahon ng Neolitiko, sagana kami sa pagkain dahil sa karunungan namin sa pagtatanim ng mga butil, halaman, at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng tupa, kambing, at baka.
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, sa Panahon ng Neolitiko, nakapagpatayo kami ng kamarin na taguan ng mga ani. Nakabuo kami ng nayon at dumami ang aming populasyon.
Sa Panahon ng Metal, umunlad ang kabuhayan namin dahil sa mga kasangkapan na gawa sa tanso, bakal, at bronce.
Sa Panahon ng Metal, nakagawa ng mga alahas at kagamitang pangdigma. Nakalikha din kami ng mga matitibay na kagamitang pangsaka, panlaban sa mga mababangis na hayop, at iba pa na gawa sa metal. Ang yugto ng kaunlaran ay namayani sa Panahon ng Bakal
Image Attributions:575590 (https://pixabay.com/vectors/mountain-peak-summit-terrain-gray-575590/) - OpenClipart-Vectors - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
Attributions D'image
575590 - OpenClipart-Vectors - (Licence Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
)