Recherche
  • Recherche
  • Mes Storyboards

18

Créer un Story-board
Copiez ce storyboard
18
Storyboard That

Créez votre propre story- board

Essayez-le gratuitement !

Créez votre propre story- board

Essayez-le gratuitement !

Texte du Storyboard

  • Kaya ko ito, ako pa!!
  • Ako ay nag nanais na maging isang inhinyero.
  • Mahirap ngunit magpapatuloy ako.
  • Ikalawa ay ang pagkakaroon ng confidence o lakas ng loob. Ang lakas ng loob ang nagbibigay tulong sa ating mentalidad upang magtagumpay sa isang gawain. Hindi mawawala ang mga pagsubok sa ating buhay, at malaki ang kontribusyon ng lakas ng loob upang malampasan natin ang mga ito.
  • Una sa lahat, kinakailangan mo na isipin kung ano ang iyong layunin o pangarap sa buhay. Nararapat na mayroon kang malinaw na larawan ng bagay na nais mong mapagtagumpayan.
  • Huy! Ito ang sagot sa takdang aralin, patingin ng sa'yo!
  • Hindi, mali iyan, kailangan kong mag-aral, at magsagot ng sarili.
  • Ikaapat ay ang pagtitiis. Mapapatid tayo, mapapagod at papalya, ngunit kinakailangan natin na magtiis, dahil hindi natin iyon maiiwasan. Marahil matagal at mahirap ang proseso, ngunit sulit naman ito sa panahon na tayo ay magtagumpay na.
  • Ikatlo ay ang aksyon o ang pagsisikap. Hindi ka makapagtatagumpay kung wala kang gagawin. Ang pag-aaral ng mabuti at pagsisikap na may matutunan sa bawat araw ay isang aksyon na malaki ang magiging ambag sa tagumpay na nais nating maabot.
  • Ikalima ay ang katapatan. Mahaba at napakahirap ng daan patungo sa tagumpay, at madalas ito’y nangangailangan ng ilang dekada ng walang katapusang pagpupunyagi. At dahil doon, kailangan natin ng katapatan, ninanais ng tao ang shortcut para sa tagumpay at nakapanlilinlang at nakaapandadaya na. Katapatan sa kabila ng kahirapan ay isang napaka halagang susi sa tagumpay.
  • Ikaanim ay isipin mo kung bakit ka nagsimula. Sa dami ng pagsubok na iyong kinahaharap, isipin at balikan mo bakit ka nga ba nagsimula? Para kanino mo ba ito ginagawa? Ano ba ang nais mo? Sino ba ang inspiration mo? at sa resulta na makakamit mo, sino ba ang makakatamasa ng tagumpay na iyong makakamit. Sa pamamagitan nito, nakasisigurado ako na mas magsusumikap ka pa, mas magtitiis ka pa, at mas magkakaroon ka pa ng labas ng loob at mas magiging matapat ka pa. Ang tagumpay ay iyong makakamit.
Plus de 30 millions de storyboards créés