Alam mo grabe ang mga senador natin ngayon mas inuuna pang intindihin ang pagpapa banned ng mga korean novela at movies kaysa sa mga mas importanteng issue na dapat unahin sa bansa natin
kaya nga ayon pa sa kanila ang dahilan daw ay dahil humihina daw ang mga gawang pinoy na pelikula at teleserye dito sa Pinas
Malamang paano hindi hihina eh pare pareho lang naman ang konsepto ng mga palabas dito nakakasawa na
At aminin man nila o hindi mas maganda talaga ang mga likhang sining ng ibang bansa kaysa dito sa atin
Oo nga eh kung gusto nila mapantayan ng Pilipinas ang ibang bansa sa paglikha ng mga magagandang konsepto ng pelikula edi sana maglaan sila ng budget at pansin anng gobyerno sa mga sining dito sa Pilipinas
Tama mag focus na lang kaya sila sa mga issue ng bansa ngayon katulad ng pagtaas ng bilihin at pagbaba ng ekonomiya natin kaysa pinapakielaman nila ang panonood natin ng Kdrama
Tama at ang nakakalungkot pa dun ang tanging istasyon ng telebisyon dito sa Pilipinas na kayang makisabayan sa ibang bansa ay pinasara pa nila at patuloy pa ring ginigipit hanggang ngayon