Recherche
  • Recherche
  • Mes Storyboards

Unknown Story

Créer un Story-board
Copiez ce storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Créez votre propre story- board

Essayez-le gratuitement !

Créez votre propre story- board

Essayez-le gratuitement !

Texte du Storyboard

  • Sa isang bayan may hari na mapagmataas at makasarili siya si Haring Barabas na kinakatakutan ng mga nasasakupan niya. Ang haring ito ay hindi marunong magpahalaga sa mga taong naninilbihan sa kanya puro lamang siya utos at kung minsan galit pa ito.
  • Naghirap ang kanilang bayan dahil hindi maganda ang ani ng mga taong nagsasaka. Kaya inutusan ng hari ang kanyang mga nasasakupan na magtipid. Isang beses sa isang araw na lamang kumain ang mga tao na kanyang nasasakupan dahil nga sa utos nito na magtipid ang mga tao.
  • Ang hari na siyang nag-utos ang mismomg hindi sumunod sa sarili niya. Sa kabila ng pagtitipid ng kanyang mga nasasakupan ang hari ay nagpaluto ng maraming pagkain na tila akala mo siya ay nasa piyesta. Hindi man lang niya inisip ang mga taong nasasakupan niya na nagtitipid. Ang hari ay makasarili, inuubos niya ang kanyang kayamanan sa mga walang kuwentang bagay. 
  • Isang araw habang nagsasaya ang hari ay may lumapit sa kanya na isang babaeng pulubi  at nanlimos sa kanya. Imbis na ito ay kanyang bigyan ito ay pinagtabuyan niya pa. Hindi makaila na masama talaga ang ugali ng hari at ibinigkas niya pa sa babaeng pullubi na nawalan siya ng gana kumain dahil sa amoy ng babaeng pulubi.
  • Hindi nagustuhan ng pulubi ang kasakiman at pagiging makasarili ng hari kung kaya't ito ay tuturuan niya ng leksiyong na hinding-hindi niya makakalimutan. Kumidlat at kumulog sa buong kaharian ni Haring Barabas kaya't ang hari ay humihingi ng tawad ngunit huli na ang lahat.
  • Unting-unti nagbago ang anyo ng haring mapagmataas, at makasarili na si Haring Barabas at maraming tao ang nakasaksi sa pangyayari. Nakita ng tao sa isang puno na may isang bunga na bilugan at may koronang nakapatong. Sa kanilang pagkakaalam ayun na ang kanilang hari. Si Haring Barabas na sakim ay naging isang bunga sa isang puno. Mula noon ang bungang iyon ay tinawag na BAYABAS na nagmula sa pangalan ni Haring Barabas.
Plus de 30 millions de storyboards créés