Isang araw, matapos ang unang markahan, nakuha ni Anthony ang kaniyang grado.
Anak, hindi kita pinipilit na gawin ito, ngunit naniniwala akong magagawa mo ito nang mas mahusay.
'Nay, parang hindi ko po kayang makakuha ng mas mataas na grado. Nahihirapan na nga po ako sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi ko na po iyan makakaya!
Anak, nag-aalala lamang ako para sa iyong kinabukasan. Alam kong may talento ka, kaya't kinukumbinsi kitang magsikap upang maging magaan ang iyong buhay sa hinaharap.
Inay, salamat po sa pagtitiwala sa akin. Gagawin ko po ang aking lahat para makuha ko ito!
Yes ma'am, I believe that Mitochondria is the powerhouse of the cell.
Pagkatapos sa kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang ina, nagsimulang mas lumahok sa lahat ng gawain sa paaralan.
Bilang bunga ng pagsisikap niya, tumaas ang kaniyang grado sa lahat ng mga aralin.
Inay! Inay! Nakakuha po ako ng 95 at saka high honors!
Magaling anak! Alam kong kaya mo iyan! Ipagpatuloy mo iyan!
Simula noon, laging nagsusumikap si Anthony at naniniwalang walang imposible kapag tayo ay nagsisikap sa buhay.