Magandang araw, mga anak! Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang kasaysayan ng ating Wikang Filipino. Handa na ba kayo?
Opo ma'am!
Glisser: 2
Alam niyo ba na ang Wikang Filipino ay bunga ng mahabang kasaysayan? Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang sistematikong balangkas na binibigkas na tunog na pinipili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa loob ng isang kultura.
Mahalaga ang wika dahil ito ang nagpapahayag ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Isa pa, ito rin ang nag bibigay-daan upang magkaintindihan ang bawat isa.
Sa kasaysayan, ang mga sinaunang Pilipino ay may iba't ibang wika at diyalekto tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilokano, at marami pang iba. Ang Wikang Filipino na kilala natin ngayon ay isang wikang pambansa na hango sa Tagalog, na sinang-ayunan noong 1937.
Glisser: 3
Sino sa inyo ang nakakaalam kung bakit Tagalog ang napili bilang batayan ng Wikang Filipino?
Pakinggan natin si Binibining Ellie.
Glisser: 4
Ma'am, dahil sa malawakang paggamit ng Tagalog sa Kamaynilaan at sa mga kalapit na lugar, kaya ito ang napiling batayan ng Wikang Pambansa.
Glisser: 5
Tama, Ellie! Mahusay! Bukod sa Tagalog, maraming salita mula sa iba't ibang wika at banyagang lenggawahe tulad ng Kastila, Ingles, at Tsino ang naging bahagi ng Wikang Filipino.
Napakaraming pinagdaanan ng ating wika, ma'am.
Glisser: 6
Tunay nga! Kaya't mahalaga na ating pahalagahan at gamitin nang wasto ang ating wika dahil ito ang nagbibigay-buhay at kulay sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.