Ngayon gaganapin ang pagdiriwang ng 18th birthday ng aking ate, at ang programang kasama ako ay ang "18 Song Dedications". Ngunit dahil hindi ako nakapagensayo, patago kong hinuhuni ang aking kanta bago ang party.
Hmp.
Uy! Sabihin mo na kasi!.. Para alam ko kung iiyak ako HAHAHA
Kahit na walang sawa akong kulitin tungkol sa gagawin kong pag-awit, nananatili akong tahimik tuwing tatanungin ako ng aking ate.
Kaninang 8AM...
*katahimikan*
Enero 9, 2021 11:32AM
Sa venue ng pagdiriwang...
Isa-isa nang dumating ang mga bisita, at bandang 10:30AM ng umaga, nagsimula na ang pagdiriwang. Habang tumatagal, labis ang kaba sa aking dibdib nang dumating na ang programang kasali ako. Bago kumanta ang mga kamag-anak, mauuna muna ang mga kaibigan ni Ate. Umakyat sa stage ang isa niyang kaibigan at nagsabi ng maikling mensahe bago nagsimulang kumanta.
Hala! Pareho kami ng kanta!
...like one, two, three, I'll be there..
!?! Wala pa nga akong kanta eh. Akala ko ba meron ka na?
Ate Menggay, patulong.. Pahingi po ng kanta. T^T
...Parang pamilyar yung kanta?
True Colors nalang!
..Eh nakakahiya naman po kung pareho kami. Ako pa yung kapatid..
HAHA lagot ka
Matapos ang ilang minuto...
*palakpak*
Agad-agad?! Bakit ang bilis po.. Huhu TT
Whoo!
Ikaw na nyinying..
Go Ashley!
Kaya mo yan!
...'Eto na ang pinakahihintay nating lahat! The little sister of the debutant... Let us give a round of applause for Maria Jeon Ashley Caparas!