Hae
  • Hae
  • Omat Kuvataulut

Unknown Story

Luo Kuvakäsikirjoitus
Kopioi tämä kuvakäsikirjoitus
Unknown Story
Storyboard That

Luo oma kuvakäsikirjoitus

Kokeile ilmaiseksi!

Luo oma kuvakäsikirjoitus

Kokeile ilmaiseksi!

Kuvakäsikirjoitus Teksti

  • Isa sa maaaring gawin ay ang pagtataas ng minimum wage na natatanggap ng mga manggagawa. Makatutulong ito hindi lamang sa atin kundi pati sa buong ekonomiya ng bansa dahil inaangat nito ang food security at ang kakayahang makapamuhay ng mga mahihirap na pamilya!
  • Isa pa ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa ating mga manggagawa upang sila ay ganahang pumasok at maging mas produktibo!
  • Maaari ring magbukas pa ng mas maraming trabaho ang mga pampubliko at pribadong sektor upang mabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang bawat Pilipino!
  • Magandang ayusin ang mga schedule at contract terms upang hindi magkaroon ng pagkakagulo sa shifts at maiwasan ang pang-aabuso sa mga manggagawa.
  • Dahil dito, nailalagay sa matinding panganib ang aming kalusugan at ang buhay ng mga nakapaligid na halaman at hayop! Tumataas din ang hazards namin sa tuwing kami ay gumagawa dahil sa mga nakakalat at naiipong debris!
  • Maraming kumpanya ang basta na lamang nagtatambak ng kanilang mga naipong dumi sa iba't-ibang lugar tulad ng mga karagatan, kabundukan, at kung minsan ay sa mismong lugar pa ng aming paggawa!
  • Una ay ang mga problema sa kapaligiran, kasama dito yung mga isyu sa lugar kung saan kami gumagawa at ang mga epekto ng aming paggawa sa kalikasan.
  • Nagtungo ang ating bida na si Isko sa dating tambayan nila ng kaibigan niyang si Baldong. Siya ay mukhang despedo nang makita ang kaniyang hinahanap kaya naman nilapitan siya ni Baldong...
  • Isa pa ang problema sa pagkasayang, kasama dito ang mababang pasahod at job-mismatching...
  • Karaniwang malapit sa minimum wage ang sahod na natatanggap ng mga kabilang sa laylayan ng lipunan. Kasama rin ang sapilitang pag-iiba ng trabaho kahit na mayroon namang sapat na qualifications dala ng pagkadesperadong makakuha ng hanapbuhay.
  • Pumunta sila sa magulong tahanan ni Isko para makapag-usap nang lubusan. Inumpisahan ni isko ang pagbabahagi sa kaniyang mga naging karanasan mula sa iba't-ibang trabaho.
  • Panghuli naman sa mga aking naging karanasan ay ang kawalan ng job security at kontraktuwalisasyon...
  • Talamak ang mga kumpaniyang tumatanggap lamang ng mga manggagawang "contractual" imbes na sila ay magbukas para sa mga "regular" na empleyado. Marami rin ang mga manggagawang palipat-lipat ng trabaho o 'di nama'y nawawalan nalang nito dahil sa kawalan ng seguridad!
  • Unang ibinahagi ni Isko ang problema ng kanilang paggawa tungkol sa kapaligiran. Inilabas niya ang mga hinaing tungkol sa nagiging dulot ng mga ito hindi lamang sa kanilang mga manggagawa kundi pati na rin sa mga halaman at hayop na nakatira sa lugar.
  • Tamang tama ang mga naging ideya natin pareng Isko! Ngunit, hindi dapat natin kalimutan na kinakailangan din nating kumilos at hindi umasa lamang sa ginagawa ng iba!
  • Tulad ng sinasabi nila, tumpak, korek, at may tama ka pare! o siya, tara na't kumayod nang maigi para sa pamilya!
  • Sunod na ikinwento ni Isko ang pasakit na dala ng mababang pasahod sa mga manggagawang kagaya niya at ang pagka-sayang ng kanilang mga kakayahan dahil walang sapat na trabaho para sa kanila.
  • Kaya naman, hindi nakasasabay ang mga taong tulad natin sa presyo ng pamumuhay dito sa siyudad! Nasasayang din ang pinag-aralan at talento ng ating mga kababayang napipilitang humanap ng ibang trabaho para lamang may mapagkuhanan ng pampalipas-gutom!
  • Huling isiniwalat ni Isko ang kahirapang dala ng kontraktuwalisasyon at kawalan ng job security sa mga taong nasa laylayan ng lipunan...
  • Dala ng kalupitang ito, marami sa amin ang hindi nakatatanggap ng mga benepisyo at ang kawalan ng mismong trabaho na kinakailangan namin para mabuhay! Isa pa ang pagbaba ng aming productivity para sa ating ekonommiya at ang pagkakagulo sa aming gawain tuwing may natatanggal at nadadagdag na empleyado!
  • Parehong napaisip ang dalawa tungkol sa situwasyon na kinalalagyan nila. Ano nga ba ang makatutulong sa mga mamamayang katulad nila?
  • Ayos yan pare, LEGOOO!!! 
Yli 30 miljoonaa kuvakäsikirjoitusta luotu