Si Mathilde Loisel ay isang magandang babae na asawa ng isang manunulat. Ngunit sa tingin niya'y hindi angkop ang kaniyang estado sa buhay kaya't nang bigyan sila ng imbitasyon sa isang sayawan ay hindi siya nasiyahan.
Gusto niya na siya lamang ang pinakamaganda sa mga babae sa sayawan at para sa kasiyahan niya ay binigyan siya ng pera ni G. Loisel para sa isang bestida. Ngunit kulang parin ito kaya pumunta siya kay Madam Forestier at hiniram ang isang kwintas na may diyamante.
Nang dahil sa kwintas na hiniram ko sa iyo naging miserable na ang buhay ko!
Nang dumating ang okasyon, siya ang pinaka magandang babae doon ngunit di niya napansin na nawala ang kwintas at hinanap nila ito. Inabot sila ng ilang araw bago nila naisipang humanap ng kapareha sa kuwintas.
Ang kwintas na iyon ay isang imitasyon lamang!
Nakakita sila ngunit ito'y nagkakahalaga ng mas malaki pa sa kanilang pwedeng ibayad kaya't nangutang sila at inabot ng 10 taon para ito'y mabayaran lahat. Naghirap sila para lang mabayaran ang mga inutangan nila. Umiba ang itsura ni Mathilde dahil dito.
Isang araw, naglalakad si Mathilde at nakita niya si Madam Forestier na may kasamang batang babae, nilapitan niya ito at nagpakilala. Nagtaka si Forestier kung anong nangyari kaya't nagtanong siya. Inilahad ni Mathilde ang nangyari.
Nagulat si Forestier at sinabi na peke lang ang kwintas at nalungkot sa nangyari kay Mathilde.