Hae
  • Hae
  • Omat Kuvataulut

Unknown Story

Luo Kuvakäsikirjoitus
Kopioi tämä kuvakäsikirjoitus
Unknown Story
Storyboard That

Luo oma kuvakäsikirjoitus

Kokeile ilmaiseksi!

Luo oma kuvakäsikirjoitus

Kokeile ilmaiseksi!

Kuvakäsikirjoitus Teksti

  • Kinuha rin ng magkakapatid ang bungo ni Ymir at nilikha ang kalawakan mula rito. Inilagay nila ito sa ibabaw ng lupa na may apat na kanto. Sa bawat sulok na yon ay nagtalaga sila ng isang duwende. Sila ay sina Austri, Vestri, Nordi, at Suöri. Kapagdaka, tinipon nila ang mga alipato't tilamsik ng apoy na walang tigil na lumilipad at bumabagsak sa daigdig ng Muspell. Inilagay nila ito sa gitna ng papawirin-ang isa'y sa itaas, at ang isa'y sa ibaba. Ito ang magsisilbing tanglaw ng langit at lupa. Gayunman, ang ilan sa mga bola ng liwanag ay nakatirik lang sa kalangitan, samantalang ang iba'y palibot-libot sa kung saan-saan. Kung kaya, inilagay nila ang mga ito sa tamang puwesto at pinagalaw sa isangpartikular na direksiyon. Ayon sa mga ninuno, dito raw nagmula ang araw at gabi. Dito rin nag-umpisaang pagbibilang ng mga taon. Sabi nga sa Ang Propesiya ni Sibyl:
  • Pabilog ang bawat kanto ng lupa, at naliligiran ito ng dagat. Sa baybayin ng dagat naninirahan ang mga higante. Gumawa ang mga diyos ng isang moog sa dakong loo ng daigdig upang mailigtas ang mga tao sa poot ng mga dambuhala. Mga pilikmata ni Ymir ang ginamit nila sa paggawa ng moog na yon na binansagan nilang Miögar. Kinuha rin nila ang utak ni Ymir at saka inihagis sa kalangitan upang maging mga ulap.
  • Salamat sa mga ibinahagi ninyong mahahalagang impormasyon. napakalaki ng gawaing iyon, at mahusap pang naisakatuparan. Pero paano naman inayos ang lupa?
  • Mula sa napakaraming dugo na umagos mula sa mga sugat ni Ymir ay nilikha nila ang dagat at pinalibutan ng lupa. Inilagak nila ang dagat paikot sa buong lupalop ng lupa. Sa gayon, iisipin ng marami na sobrang lawak at imposibleng tawirin ang dagat na iyon.
Yli 30 miljoonaa kuvakäsikirjoitusta luotu