Si Prinsipe Bantigan, siya ay kapatid ni Haring Madali na siyang hari ng Kaharian ng Bumbaran. Kilala siya sa kanyang katapangan ngunit bukod dito ay siya rin ang numerong unong tao na hinahangaan at minanahal ng maraming babae.
Liuku: 2
Dahil sa inggit ng kanyang kapatid na si Haring Madali, inutusan niya ang lahat na huwag makipag-usap kay Bantugan at ang sinumang hindi susunod dito ay hahatulan ng kamatayan.
Liuku: 3
Matapos malaman ang utos na iyon, nalungkot si Batungan at nagpasya na pumunta sa ibang bayan. Nagkasakit siya sa kanyang paglalakbay na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa pintuan ng kaharian sa lupain sa pagitan ng dalawang dagat.
Liuku: 4
Natagpuan ni Prinsipe Datimbang at ng kanyang haring kapatid si Bantugan at nabagabag sila dahil hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila sa kanilang konseho upang pag-usapan kung ano ang gagawin ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong ay may dumating na loro at sinabi sa kanila na ang tao ay ang Prinsipe ng Bumbaran na nagngangalang Prinsipe Bantugan.
Liuku: 5
Pagkatapos nito, bumalik ang loro sa Bumbaran at ibalita na namatay na ang prinsipe Bantugan. Si Haring Madali ay pumunta kaagad sa langit upang maibalik ang kaluluwa ni Bantugan.
Liuku: 6
Samantala, ibinalik ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumabaran. Pagdating ni Haring Madali, inilagay niya ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan at muling nabuhay ang prinsipe at nagdiwang ang lahat.