Ako'y natutuwa sa angking katalinuhang ipinamalas mo dahil mahusay kang gumawa ng paraan.
Liuku: 2
Kaya't sinasabi ko sa inyo,gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
Liuku: 3
Ang mapapagkatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.
At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba. Sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
Liuku: 4
Walang aliping maaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kakamuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa,paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.Hindi kayo maaring maglingkod ng sabay sa diyos at sa kayamanan
KASINUNGALINGAN!
Liuku: 5
Narinig ito ng mga Pariseo at kinutya si Jesus.Kaya't sinabi niya sa kanila.
Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng tao,ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso.Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.