Sa isang punong higera sa gitna ng gubat,nakatali ang paa at leeg ng isang gwapong binata. Umiiyak ang binatang nakagapos.
Ibagsak sana ng kalangitan ang poot nito! Parusahan ang mga masasama...
Liuku: 2
Dalawang leon ang papalapit sa binatangnakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki.
Liuku: 3
Nagkataong dumating sa gubat ang isangmandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya.Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok.
Kung sino man ang umagaw sa aking pinakamamahal ay papatayin ko, maliban sa aking ama.
Liuku: 4
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig nadaing. Kaya hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig.
Liuku: 5
Sa tindi ng paghihirap, nawalan ng malay ang binatang nakagapos. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggangsa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.
Liuku: 6
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa isinalaysay ni Florante and kanyang buhay. Ibinahagi rin ni Aladin sa kanya ang kanyang nararamdaman.
Ako nga pala si Florante. Anak ni Duke Briseo ng Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona.
Ako naman si Aladin, anak ni Sulatan Ali-Adab ng Persya.