Tumungo si Ibarra sa umpukan ng mga binatang lalaki at nag pakilala ito. Pakatapos ni Ibarra magpakilala, isa isa namang nag pakilala ang mga binata.
Mga ginoo, ipahintulot ninyong ipakilala ko ang aking sarili, tulad ng kaugalian sa Alemanya, dahil sa kawalan ng magpapakilala sa akin. Hindi ko nais dalhin dito ang kaugalian sa ibang lupain sapagkat tayo rito ay may likas na kabutihang ugali, ngunit ako'y napilitan. Mga ginoo, ang pangalan ko'y Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.
May namukhaan dito si Ibara ng isang makata sa mesa ng mga binata, kaya naman ito kinausap niya.
Ang inyong mga tula ay bumuhay sa aking pagmamahal sa aking bayan. Ano ang sanhi ng hindi ninyo pagsusulat?
Ang isipan ko'y ayaw kumilala at magsinungaling. May isang makatang tumula sa katotohanan at siya'y pinag-usig.
Pakatapos ng pakikipag-usap ni Ibarra sa isang makata, siya'y umalis at biglang lumapit si Kapitan Tinong sakanya.
Ginoo, ako'y si Kapitan Tinong, kaibigan ni Kapitan Tiago at matalik na kakilala ng iyong ama. Maaari po bang makasalo namin kayo sa isang pananghalian bukas?
Salamat po, ngunit uuwi po ako bukas sa San Diego.