Bumaba muna kayo! Dito na tayo maghahapunan. Kumain kayo nang marami matagal ang biyahe natin mamaya.
AKO (AARON)
Sige ma!
Sige po tita!
TANIA
Tara! Doon na tayo kumain sa may harapan ng tindera, dalian mo mauunahan tayo!
Kuya, order nalang tayo ng lugaw doon.
OO NGA! HAHAHA! SAYANG ANG AKING KAHUSAYAN SA PAGTAKBO, KABAGAL MO PA MAN DIN !
HAHAHA! WALANG KWENTA ANG UNAHAN NATIN. PAPALIPATIN DIN NAMAN PALA TAYO NG PWESTO!
Taong 2015, pauwi na kami galing sa Ilocos Norte, at naisipan naming bumaba sa isang kantina upang maghapunan dahil papalapit na ang gabi, at mahaba-haba pa ang biyahe.
Kayong dalawa, anong gusto niyong kainin? Lugaw o kanin?
Naunang pumunta sa kantina ang aming mga magulang. Nagpahuli kami upang makipag-unahan sa matitirang upuan.
Ayan, maanghang na. Hindi naman siguro naparami ang nilagay nating chili powder.
SAKTO NA YAN. HAHAHA!
TANIA! AARON! YUNG PAGKAIN DALHIN NIYO NA DITO, KATAGAL NINYO!
Nang makarating na kami sa upuan, nagkwentuhan lamang kami at nagtawanan. Pinagalitan kami nang ilang beses, pero patuloy pa rin ang aming kulitan hanggang sa tanungin kami kung ano ang gusto naming kainin.
Ako na ang mamamahagi, ang matitira sa inyo na ni Tania.
Nang tanungin kami, nagdalawang isip kami kung kanin ba o lugaw ag aming kakainin. Ngunit naalala namin na may plano kaming gagawin kung lugaw ang gustong kakainin ng karamihan sa amin.
Lugaw na lang.
Nilagyan namin ng chili powder ang isang lugaw, ngunit hindi namin alam kung kanino ito mapupunta.
Nakalimutan namin kung anong lugaw ang nilagyan namin ng chili powder dahil hindi namin ito hinalo, at tinakpan lang namin ng lugaw. At nang ibahagi na ang mga pagkain namin napunta ang maanghang na lugaw sa akin.