Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan sii Ben.Mabait at matulungin si Ben. Nagmana sya sa kanyang mga magulang na mababait din naman
Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain.
Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok.