HINIHINTAY KO PO SI ITAY, NANGAKO PO SIYA NA MAGLALARO KAMI
ITAY.. KAY TAGAL KITANG HININTAY. AKO'Y NASASABIK NA IKA'Y MAKALARO
KUNG GAYUN AY HALIKA NA AT TAYO'Y MAGLALARO NA
HINDI NA SANA MATAPOS PA ANG MGA GANITO KASIMPLE AT MASAYANG PANGYAYARI SA BUHAY NAMIN...
HANDA NA ANG PAGKAIN. HALINA'T PUMASOK NA KAYO SA LOOB.
OPO ITAY
TARA NA ANAK... ALAM KONG GUTOM NA GUTOM KA NA.
NGAYON...
YAYA? NASAAN NA PO SILA MAMA?... NANGAKO PO KASI SILA NA SASAMAHAN AKO SA PALARUAN.
HUWAG KANG MAG-ALALA IHO, PAUWI NA SIGURO SILA. BAKA NATRAFFIC LANG.
BUTI NAMAN PO AT NAKAUWI NA KAYO. TARA NA PO SA PALARUAN
PALAGI NALANG KAYONG ABALA SA IBANG BAGAY...
MAY PULONG KA PANG DADALUHAN BUKAS
PASENSYA KA NA ANAK, ABALA KAMI NANG PAPA MO. SA SUSUNOD NA ARAW NALANG TAYO UMALIS. PARA DIN NAMAN ITO SA KINABUKASAN MO AT SANA MAINTINDIHAN MO
PALAGI NALANG AKONG MAG-ISA..
PARA BA TALAGA SA KINABUKASAN KO ANG GINAGAWA NILA? PAANO NAMAN ANG KASIYAHAN KONG MAKASAMA SILA? NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA UNTI-UNTING BINABAGO NANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA ANG PANANAW AT RELASYON NANG BAWAT PAMILYA...
ANG LAPIT KO SA KANILA PERO BAKIT PARANG PAKIRAMDAM KO ANG LAYO NILA...