Otsing
  • Otsing
  • Minu Süžeeskeemid

Talata V

Loo Süžeeskeemi
Kopeerige see süžeeskeemid
Talata V
Storyboard That

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Süžeeskeem Tekst

  • Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid sapagkat nilimot ko ang mga kaluluwang pinaslang at pinaghirapan kaya ako pinarusahan ng Diyos. Ngayon ay nakahanda na akong gumanti ng masama laban sa kasamaan.
  • Pupurihin ng mundo ang pangyayaring iyan sapagkat laging bibigyang katuwiran kung sino ang higit na malakas. Mas mahalaga ang bunga kaysa sa sanhi. Gawing mahusay ang paggawa ng kabuktutan at higit itong hahangaan ng marami kaysa sa kabutihang gawa ng mga taong kimi.
  • Iyan ang gusto kong marinig sa iyo, Basilio!
  • Sige, sang-ayon ako. Ano ba sa akin kung sila'y pumalakpak o mangutya? Ang mundo ay walang malasakit sa mga taong api, mga kawawa at babaing mahina. Bakit ko pagmamalasakitan ang lipunang hindi nagmalasakit sa akin?
  • Gusto mo na bang mamatay?
  • Makinig ka sa sasabihin ko. May magaganap na pagsabog sa bahay na iyan at lahat ay masasawi. Mas makabubuting umalis na tayo sa lugar na ito. Hindi tayo dapat magsayang ng panahon.
  • Gusto kong makita si Paulita sapagkat bukay ay iba na siya.
  • Lumamlam na ang apoy na mitsa ng lamparang dala ni Simoun kaya't inutusan ng Kapitan Heneral si Padre Irene na itaas ang mitsa.Ngunit bago makakilos si Padre Irene at sundin ang sinabi ng Kapitan Heneral, isang anino ang biglang sumulpot para kunin ang lampara. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari at ni wala halos nakapansin. Mabilis na tumakbo ang anino at itinapon sa ilog ang lampara.Nagkaroon ng kaguluhan sapagkat napasok daw sila ng magnanakaw. May humingi ng baril upang habulin ngunit wala na ang anino sapagkat nakatalon na sa ilog.
  • Uminom ng lason si Simoun upang wakasan ang kaniyang buhay. Sa kaniyang huling sandali, ibinulong niya ang kaniyang lihim sa pari, si Padre Florentino. Ipinagtapat ang tunay niyang pagkatao, ang tunay niyang pangalan. Napahindik si Padre Florentino.Isinalaysay ni Simoun ang nakaraang buhay. Mula sa mga pagmamalupit na kaniyang naranasan sa nakaraang labintatlong taon, at sa mga naranasan niya sa bansang Cuba na nagdulot sa kaniyang planong paghihimagsik. Mahaba ang matapat na pangungumpisal ni Simoun na inabot ng gabi.
  • Nasaan ang kabataang handang magpakasakit sa bayan? Nasaan ang kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa kabutihan ng bayan? Hinihintay namin kayo, kabataan, kayong mga walang bahid ng dungis at karapat-dapat ng isang karangalan!
  • Kawaan nawa ang taong nagbuyo sa kanya na maging masama.
  • Mananatili ka sana sa kailaliman ng karagatan na walang hanggan, kasama ang mga korales at perlas...Kung dumating ang isang panahon na kakailanganin ka ng mga Pilipinong may banal na layuning panghahawakan, gagawa at gagawa ang Poong Maykapal upang ikaw ay maiahon sa kailaliman ng karagatan. Samantala, diyan ka muna upang hindi maging kasangkapan ng kabuktutan at upang hindi maging tagapag-udyok ng kasakiman!
  • Kinuha ni Padre Florentino ang maletang may kayamanan ni SImoun at nagtungo sa talampas na laging pinupuntahan ni Isagani upang pagmasadan at isipin ang lalim ng karagatan. Nang matiyak ng pari na nag-iisa siya ay buong lakas na inihagis ang maleta upang lamunin ng karagatan.
Loodud üle 30 miljoni süžeeskeemi