Otsing
  • Otsing
  • Minu Süžeeskeemid

cxzcx

Loo Süžeeskeemi
Kopeerige see süžeeskeemid
cxzcx
Storyboard That

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Süžeeskeem Tekst

  • Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ngaraw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw.Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya..
  • Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang mag maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw.
  • Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyangniyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.
  • Ang Batik ng Buwan.
  • Hindi naman nagtagal at umuwi na ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang hanapin ang mga anak ngunit hindi niya ito nakita kaya't hinanap niya ito kung saan saan.
  • Sa gayo'y sinumabatan niyaang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!”
  • Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong sagingat tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanyaat hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
Loodud üle 30 miljoni süžeeskeemi