Ang ineeeet! buti na lang online class ngayon, nadinig din ang panalangin ng mga mag-aaral sa MMC.
*thud*
*thud*
*thud*
*thud*
Nako! Kailangan kong bilisan baka malate ako sa attendance
Isa akong mag-aaral ng METRO MANILA COLLEGE ngayong araw ay ASYNCROUNOUS CLASS dahil sa heat index. Isang araw ng ikalawang semester, gumising ako ng 7:50 nang umaga para sa aming unang klase.
Libisema: 2
Ayun lamang, paalam na BSBA 1A!
Maraming salamat po Sir Pepo!
Hay salamat! Hala Christian Living na! 'Yung t-shirt ko!
Nagsimula na ang klase namin at tuloy-tuloy na ang daloy nito pati na rin ang pag-upo ko sa upuan kaharap ang aking laptop, ngunit kinailangan ko bumalik sa kwarto para kunin ang puting t-shirt para sa CL 2 subject dahil sabi ni ma'am kailangan naka white shirt kami.
Libisema: 3
Dahil 5 minuto na lang bago magklase kay Ma'am Altiche, dali-dali akong tumakbo sa kwarto para maghanap ng white t-shirt bago ako malate sa klase.
Libisema: 4
Bautista? Hello? Absent ba siya?
Present po! Sorry po nagloko po microphone.
Okay lang nak.
Nagsinungaling lang ako na nagloko microphone ko nung hindi ako nakasagot sa attendance ngunit hindi lang ako nakasagot dahil sinusuot ko pa yung white t-shirt.
Libisema: 5
Sige pwede na kayo mag-off ng camera.
Ayan, pwede na ko magpalit damit ulit.
Teka. Bakit ang daming nagmemessage sakin?
Huy mag-off ka ng camera nakahubad ka haha!!
Kristian! Nakaon pa camera mo!
Na-karma kaagad ako matapos kong magsinungaling dahil nakalimutan kong i-off ang camera habang nagbibihis at nagulat nalang ako na maraming nagmemessage sa akin sa messenger.
Libisema: 6
Sino yun? Ok ka lang anak?
Oh my god!
Ako po yun sorry po! Okay lang po ako. Sorry po ulit!
Dagdag pa nito, napasigaw ako ng OH MY GOD! at naka-on pala ang aking microphone kaya narinig ako ng aking guro. Magmula noon, lagi nang white t-shirt ang aking suot tuwing may klase.