Otsing
  • Otsing
  • Minu Süžeeskeemid

scaffold 3

Loo Süžeeskeemi
Kopeerige see süžeeskeemid
scaffold 3
Storyboard That

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Süžeeskeem Tekst

  • Si Siddhartha ay isang anak ng Bahmin. Lumaki siyang nabububungan at naalagaan. Hindi gaano kagwapuhan si Siddhartha, ngunit may mukha. Lumaki siyang babad sa pag-aaral at sa pakikisangkot sa mga ritwal kasama si Govinda. Para sa kanyang ama, itinakda siyang maging isang mahusay na Brahmin dahil lumaki siyang mahusay at matalinong binatilyo.
  • Ang matalik niyang kaibigang si Govinda, na lubos na humahanga sa kanya ay nakadama na hindi magiging karaniwang Brahmin si Siddhartha. Halos pinanginoon niya ang kaibigang si Siddhartha, kapara ng mataas na pagtingin ng madla. Kabaligtaran ng nadarama ni Siddhartha sa kanyang sarili.
  • Ngunit tila ba may hinahanap siya sa kanyang buhay. Sa kabila ng mga magaganda nangyayare sa kanyang buhay, unti-unti niyang nadama na hindi sapat ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at sa kanyang kaibigang si Govinda. Ang kanyang mga guro ay puno ng karunungan at naibigay na nila sa kanya ang lahat ng maaring pinakaakmang katuruan. Marami siyang mga tanong at hindi naiibsan ng mga pag-aalay ang kanyang kalungkutan. Nais niyang malaman ang atman, ang kaibuturan at kaluluwa, ngunit napakailap ng mga ito sa kanya.
  • Dahil dito, naging rebelde si Siddhartha. Hindi na siya ang dating kilala ng mga tao sa kanyang paligid. At dahil sa kanyang matibay na hangad upang mahanap ang mga sagot sa kanyang mga katanungan at malaman kung ano ang kulang na nararamdaman niya.
  • Isang araw, niyaya niya ang kaibigang si Govinda na magnilay sa ilalim ng punong Banyan. Naglayo sila nang may akmang puwang para sa isa't isa. Nang magsimula sila, binigkas ni Siddhartha ang mga katagang, "Ang Om ay ang arko, ang Om ay ang pana. Ang Brahmin ang asintahin. Ito ang kailangang tamaan."
  • Nang natapos ang pagninilay nila kinagabihan at tumayo si Govinda upang makapaglinis at makapag-alay.Ilang ulit niyang tinawag si Siddhartha ngunit tila ba may iba itong kinalalagyan, para bang ibang daigdig. Upang hindi ito ginawin, kaya binalaan niya ito.Kinabukasan, kinausap ni Siddhartha ang kaibigan upang sabihing ninanasa niyang hagilapin ang kanyang mga paghahangad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Samana, ang mga palaboy na mistiko na naglalagi sa kagubatan.
Loodud üle 30 miljoni süžeeskeemi