Otsing
  • Otsing
  • Minu Süžeeskeemid

Alamat ng Bulkang Mayon - Ynah Valenzuela

Loo Süžeeskeemi
Kopeerige see süžeeskeemid
Alamat ng Bulkang Mayon - Ynah Valenzuela
Storyboard That

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Süžeeskeem Tekst

  • Si Daragang Magayon, anak ng isang Rajah. Siya ay kilala dahil sa kanyang kagandahan. Marami ang hanga sa kanya at isa na dito si Kauen na umiibig kay Magayon. Ngunit ang gusto ni Magayon ay ang binatang nakilala niya nang siya ay naliligo sa batis.
  • Ang una nilang pagkakilala ay hindi ganoon ka ayos pero naging mabuti ang kanilang relasyon sa dulo. Sang-ayon naman ang Rajah sa kanilang relasyon dahil sa kabutihan ni Gat Malaya. Itinakda ng Rajah ang kanilang kasal pagkatapos ng anihan na itatapat sa kabilugan ng buwan.
  • Isang araw, nagpaalam muna si Gat Malaya upang maipaalam niya sa kanyang pamilya na siya ay ikakasal. Sinamantala ni Kauen ang pag-aalis ni Gat Malaya kaya pinuntahan niya si Magayon. Kinukulit ni Kauen si Magayon. Ako'y magiging iyo kung hindi babalik si Gat Malaya. sabi ni Magayon kay Kauen.
  • Dumating ang araw na napilitang ikasal si Magayon kay Kauen. Nagkaroon ng malaking handaan, nagkaroon pa ng mga sayawan. Sa kagitnaan ng selebrasyon, biglang dumating si Gat Malaya kasama ang kanyang mga magulang. Nagulat silang lahat. Ngunit si Gat Malaya ay nagalit.
  • Nagkaroon ng labanan sina Malaya at Kauen. Nang ihagis ni Kauen ang kanyang sibat kay Gat Malaya, napag-isipan ni Magayon na makialam sa kanilang laban. Siya ang natamaan ng sibat. Nasaksak nito ng malalim ang kanyang dibdib at naging dahilan ng kanyang kamatayan. Labis na nalungkot si Gat Malaya at naging sanhi ito ng kanyang kamatayan. Napag-isipan ni Kauen na samantalahin ang kalungkutan ni Malaya kaya pinatay din niya ito.
  • Nalungkot ang Rajah pati na din ang buong kaharian. Ibinurol ang katawan ng magkasintahan sa iisang lugar. Makalipas ang ilang mga araw, ito'y biglaang lumaki at tumaas at naging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis nito. Tinatawag natin itong Bulkang Mayon o Bundok ng Mayon sa pag-aalala kay Daragang Magayon.
Loodud üle 30 miljoni süžeeskeemi