Sobra ang pagmamahal ni Aling Rosa sa ang kanyang anak na nag ngangalang Pina. Kaya lumaki si Pina na masungit at hindi tumutulong sa Ina sa mga gawaing bahay o ibang mga gawain kahit tinuturuan naman siya ng kanyang butihing ina.
Pagod na pagod na ako nanay!
Libisema: 3
Isang araw nagkasakt si Aling Rosa. Hindi siya nakakatayo dahil sa sobrang panghihina.
Nay nagugutom na ako
Hindi ko kaya kumilos anak, masama ang aking pakiramdam
Libisema: 4
Dahil hindi sanay si Pina na tumulong sa gawaing bahay , hindi niya alam ang mga bagay at kagamitan sa loob ng kanilang bahay. Kaya naman...
Nay asaan yung bigas!?
Naay asaan yung ulam?!
Libisema: 5
Marami pang tinanong at hinanap si Pina kaya naman tuluyang nang nagalit si Aling Rosa
Naay asaan yung...
Sana tubuan ka ng maraming mata para makita mo ang iyong hinahanap!
Matapos noon ay biglang tumahimik ang buong kabahayanan. Lumipas ang ilang oras ay hindi na marinig ang boses ni Pina. Tuluyan nang nag laho si Pina.
Libisema: 6
Hinanap ni Aling Rosa si Pinay hanggang isang araw napansin niya ang isang halaman sa kanilang bakuran. Ito ay may bunga na napakaraming mata. Doon na lamang natanto ni Aling Rosa na ito ay si Pina.
Pina, hayaan mong alagaan kita ng lubusan. Mahal kita anak.
Inalagaan ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinya.
Libisema: 0
Pina, pwede mo ba akung tulungan mag luto ng ating ulam ngayon?