Kinakailangan ninyong bantayan ang Adarna. Kung sino man ang magpapakawala rito ay aking parurusahan.
Kailangan nating pakawalan ang Ibong Adarna upang maparusahan ng ating ama si Don Juan. Magtiwala ka lamang, kung ako ang magiging hari, gagawin kitang kanang kamay.
Sige, kapatid.
Buti na lamang ay tulog na si Don Juan, mapakakawalan na natin ang Adarna. 'Pag gising niya, tiyak maparurusahan siya ni ama.
Kasalanan ko kung bakit nakawala ang Adarna, nakatulog ako sa sobrang pagod. Isang kasalanan ang aking nagawa kaya nararapat lamang na lumayo ako rito sa Berbanya.
Titiyakin naming mahahanap namin si Don Juan upang iyong maparusahan, ama.
Hindi ako naniniwalang pinakawalan ni Don Juan ang Adarna. Kailangan ko siyang ipahanap sa aking mga kawal upang matiyak kung ano ang tunay na nangyari
Don Juan, mabuti na lamang ay nakita ka namin dito sa Armenya. Tayo't magsama at lumayo sa Berbanya.