Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

Ang Alamat ng Paru-Parong Magiting ni Trixie Chen Bautista

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
Ang Alamat ng Paru-Parong Magiting ni Trixie Chen Bautista
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Noong unang panahon, bantog po ang Bayang Galak sa mga karatig bayan po nito. Mailalarawan po ang kanilang bayan bilang isang masigasig, masagana, makulay, at may matibay na pagsamba kay Bathala.
  • Sa paglipas po ng panahon, maraming tao na po ang nakakalimot sa pagsamba kay Bathala. Bukod po roon ay napapabayaan na rin po nila ang kanilang kapaligiran.Ngunit, sa Harding Galak ay may isa pong dalagang nagngangalang Parosa na regular po na binibisita at inaalagaan po ang mga halaman at bulaklak kasama po ang ibong si Pipita, ang kaniyang kaibigan.
  • At dumating nga po ang araw na hindi na po nakapagpigil pa si Bathala at bumaba mula po sa Palasyong Paraiso upang hatulan po ng parusa ang mga taumbayan sa Galak. Malakas at walang tigil po na pag-ulan ang nasabing parusa, kung saan bawat patak po ng ulan ay ang pagkupas po ng kulay sa bayan at sa bawat paghagupit po ng malalakas na hangin ay mawawala po ang kasaganahan sa kanila pong bayan.
  • Kaagad pong nangyari ang mga sinabi ni Bathala sa taumbayan. Matapos po matanaw ng mga taumbayan sa bintana ang matinding sinasapit ng kanilang bayan ay kaagaran po silang humingi ng tawad kay Bathala.
  • Sumangguni po si Parosa sa kaibigan niyang ibon na si Pipita upang tanungin kung ano po ang nalalaman nitong maaari niyang gawin upang makatulong sa kanila pong bayan. Ang magsilbi daw sa kapaligiran habambuhay kasama si Bathala ang sagot nito. Napagpasyahan niya pong ialay ang kanyang katauhan alang-alang sa muling ikaaayos po ng buhay ng kanyang mga kasamahan sa bayan, kaya't tinawag niya kaagad si Bathala. Tinanggap po ni Bathala ang kanyang desisyon, ginawa siyang limang paru-parong magpapadami ng makukulay na bulaklak sa iba't ibang panig po ng lugar.
  • 'Di kalaunan ay bumalik na po sa dati ang bayan kasabay ng pagbabago ng mga taga-Galak. Ngunit, palaisipan pa rin po sa kanila ang biglaang pagkawala ni Parosa. Isang araw, ay may nakita po silang limang 'di pangkaraniwang mga nilalang, makukulay ito at kaaliw-aliw na lumilipad sa hangin. Nagtipon po sila upang alamin kung anong klaseng nilalang po iyon, hanggang napakiwari ng isang residente sa bayan na maaring si Parosa po ito dahil po sa makulay na katauhan nito na maihahantulad po nila kay Parosang mahilig sa makukulay na bulaklak.Kung kaya't ipinangalan nila ang mga nilalang na ito kay Parosa, tinawag po nila itong mga Paru-Paro.Mula noon, ay nagtanda na po ang mga taumbayan at hindi na kailan pa man po naging pabaya sa kanilang mga reponsibilidad.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados