Isang araw ng Disyembre, ang Bapor Tabo ay naglalakbay sa IlogPasig papuntang Laguna. Dito au pinag-usapan nina Donya Victorina, Don Custodio, mga prayle, Ben Zayb, at Simoun ang problema paikotxikot na landas ng ilog.Dala ng hindi pag sang-ayon ni Don Custodio sa naibigay na solusyon ng alahero na si Simoun, sila’y patuloy na natalo hanggang sa pati ang mga prayle ay naisama na sa pagtatalo ng grupo; na kung saan noong umalis na si Simoun ay nagbigay opinyon ang manunulat na si Ben Zayb sa kung ano ang tingin niya ang pwedeng gawin upang mapalalim ang ilog.
May iba akong solusyon! Pipilitin ko ang lahat ng mga bayan sa aking paligid na mag-alaga ng mga pato.
Ngunit ang pag-aalaga ng itik ay kadiri!
Kakaiba ang inyong ideya!
Sa ibabang kubyerta ay nag-uusap ang tatlo na sina Basilio, isang estudyante ng medesina, si Isagani, isang makata, at si Kapitan Basilio. Kung saan napunta ang kanilang usapan mula sa pangangamustahan sa plano ng mga estudyante na magtayo ng Academia de Castallano; sa pagtupad ng nasabing plano ay mayroong pagdududa si Kapitan Basilio ngunit kalalaunan ay tinanggap na lamang niya ang nasabing plano sapagkat naihanda na ng mga estudyante ang lahat.Kalagitnaan ng kanilang pag-uusap tungkol sa iba namang paksa ay dumating si Simoun na kung saan ay madali rin namang umalis nang walang pasabi habang nag-uusap ang tatlo tungkol sa kabutihan ng alak at tubig.
Hindi kami umiinom ng serbesa.
Mabuti ang serbesa! Sabi ni Padre Camorra na walang sigla ang bayang ito dahil sa dami ng tubig na iniinom ng mga mamamayan.
Sabihin mo sa kaniya na mas ikabubuti ng lahat ang pag-inom ng tubig!
Ang dinatnat ni Padre Damaso ay ang nagtatawanang mga tao sa kubyerta. Nasundan siya ni Simoun na kaniyang sinabihan na sayang daw at hindi niya nakita ang mga dinaanang bapor.Pagkatapos ng kanilang pagdating ay ang pagsalaysay ng alamat ng Malapad na bato; kung saan pagkatapos ay sinabi ng kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino naman ang nagkwento nito.
Upang mapag-aral si Juli at dahil wala ang nagmamay-ari ng lupain ay nagtanim siya, tulong naman ng sipag at tyaga ay lumaga ito, ngunit nawala ang lupa kay Kabesang Tales dahil sa hindi kakayanang magbayad ng buwis at tuluyang napapunta ang lupa sa mga Prayle sapagkat nasa kanilang ilalim ang gobyerno.Sa huli ay nahuli pa si Kabesang Tales sapagkat nakita siyang may pera. At para naman matubos ni Juli ang kaniyang ama, kinailangan niyang ipagbenta ang kaniyang alahas.
Sa paglalakbay ni Basilio patungo sa bahay ni Kapitan Tiago, sila'y hinarang ng mga Guwardya Sibil. Hinanapan ng sedula ang kutsero ngunit nakalimutan ng nito ang kanyang sedula kung kaya hiningian na lamang siya ng multa na hindi niya rin naman nabayaran kaya siya’y binugbog na lamang. Naisipan na lamang maglakad ni Basilio dahil dito at nakarating siya sa bahay ni Kapitan Tiago, kung saan kaniyang nalaman na ito’y nahuli at iba pang masasamang nangyari, kaya namalagi na lamang muna siya roon habang nakatanaw sa labas; wari mo’y tinatanaw ang minamahal niyang si Juli.
Ito ay ginawa ni:Precious Joana Camille D. ManaloGrade 10 - Archimedes
Más de 30 millones de guiones gráficos creados
Utilizamos cookies para garantizar que obtenga la mejor experiencia. Política de Privacidad