Ma, sabi sa balita may paparating daw na bagyo at tatama ito sa mismong lugar natin!
Paano iyan? kaka-ayos pa lang ng bahay natin dahil sa nagdaang bagyo!
Ayon nga sa inaasahan ng kanyang Ina, nalubog sa baha ang kanilang bahay dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng bagyo. Marami rin sa kanilang mga gamit ang lubos na napinsala at hindi na mapapakinabangan pa
Naging malungkot ang kanyang ina dahil sa nangyari.
Anak, ano na ang gagawin natin? Madami ang napinsala sa ating mga gamit at wala pa tayong sapat na pera para mapaayos ulit ang ating bahay!
Huwag kang mawalan ng pag-asa, Ma. Maraming tao ang may magandang kalooban at tutulungan tayo para makabangon. Magpakatatag lang tayo at magiging maayos din ang lahat
Nakita nga ng mag-ina naa maraming tao ang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Tignan mo Ma, may taong tumutulong sa bandang doon.
Pumunta sa pila ang mag-ina upang maabutan ng mga relief goods.
Sana makatulong po ito sa inyo kahit kakaunti lamang.
Naging matatag ako para sa akin at sa aking ina, hindi ako nagpatalo sa sakunang aming kinakaharap sa ngayon. Imbis na sumuko kami, hindi kami nawalan ng pag-asa na magpatuloy at magsimulang muli.
Doon niya napagtanto na siya ay isang butil ng kape kagaya sa kwentong kanyang napanood.