Madaling-arawpa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagangsi Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ngkasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito atPastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad,nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan.
Nang marating nila angtubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Habang abala sapag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din siPastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansingpinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantalaito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kayNati at humingi ng kape at kamote.#160;
Pagkatapos nilang kuaminay sunud-sunod sila na tila parang may parada. Lihim na nagkasubukan sapag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa atgilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alamang dahilan. #160;
Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malakina ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Orekaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna.Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sasobrang pagod. Tumigil si Ore at hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyangkalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga#160;
Naupo si Ore ilang hakbangang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang.Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirapni Ore. #160;
Nagwakas ang kuwentosa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo namanni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.#160;
Más de 30 millones de guiones gráficos creados
Utilizamos cookies para garantizar que obtenga la mejor experiencia. Política de Privacidad