Sa isang Dukado ng Albanyang siyudad nakakakita nang unang sinag ng araw na si Florante. Simula pagkabata'y alaga't mahal na mahal na siya ng kanyang mga magulang.
Laki sa layaw si Florante. Kung kaya't noong papunta na siya upang mag-aral sa Atenas ay masakit at mahirap sa damdamin. Ngunit napabuti rin naman, sapagkat ang kanyang bulag na isip ay siyang doon namulat.
Si Florante at Menandro ay nagkakakilala sa Athena. Naging matalik silang magkaibigan. Bukod kay Menandro, ang akala ni Florante ay kaibigan rin niya si Adolfo – isang lihim na kaaway.
Minsan sa paaralan ang nagtanghal sina Florante at Adolfo. Muntik na siyang mataga ng lihim niyang kaaway at mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro.
Umuwi si Florante sa kanila sapagkat namatay si Princesa Floresca. Nagwagi siya laban kay Heneral Osmalik na sumakop sa Krotona. Nailigtas rin niya si Laura na naging kasintahan niya.
Subalit, naagaw ni Adolfo ang trono ng Albanya at pati na rin si Laura mula sa hukbo ni Aladin. Labis na nasaktan si Florante sa pagtataksil raw ng kasintahan sa kanya.