Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

belinda

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
belinda
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Ang mag-asawang si Don Juan at Namongan ay nakatira sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union. Ang nayon ay nilusob ng tribo ng Igorot at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit ni Don Juan, umalis ito at nilusob ang mga Igorot upang ipaghiganti ang kanyang mga tauhan. Ngunit hindi nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon.
  • Ang huling balita kay Don Juan ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Isinilang naman ni Namongan ang kanilang anak na si Lam-ang. Si Lam-ang ay may pambihirang kakayahan, nakapagsasalita na agad siya at mayroong kakaibang lakas. Nalaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya na maipaghiganti ito. Ayaw man ng kanyang Ina ngunit nagpumilit si Lam-ang na umalis.
  • Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan. Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot ngunit pinauwi lamang siya. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Pinaulanan siya ng sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya ang kaniyang sibat at dito ay nalupig ang puwersa ng mga Igorot.
  • Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Matapos mamahinga ay nag-ayos si Lam-at nagtungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dalaga na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa tahanan nina Ines ay maraming tao habang ipinagtapat naman ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines.
  • Ang mga magulang ni Ines ay hindi tutol kung magbibigay si Lam-ang ng bigay-kaya na kapantay sa yaman nina Ines. Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Ngunit si Lam-ang ay nakain ng berkahan.
  • Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng tela. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Walang anu-ano’y bumangon si Lam-ang. Nagyakapan sila ni Ines at niyakap din nila ang aso at tandang. At namuhay sila ng masaya sa mahabang panahon.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados